Mga kababaihang Dumagat ginagamit ang mga di-trosong produktong gubat upang mapigilan at maka-angkop sa pagbabago sa klima 


Buod:  Nagpapatayo ng di umano’y “climate resilient” na dam ang mga gobyerno ng Tsina at Pilipinas. Ang dam na Ito ay magpapalikas at makaaapekto sa mga katutubong Dumagat-Remontado , at magdudulot ng malaking ambag na  greenhouse gas. Mas makabubuti kung ibabaling ng mga institusyong namumuhunan sa mga dam ang kanilang mga rekurso tungo sa tunay na solusyon sa klima na isinasagawa ng mga kababaihang Dumagat at ng kanilang komunidad: ang pamamahala ng pamayanan sa mga di-trisong produktong gubat.

Ang reyalidad ngayon: pamumuhunan sa malakihang hydropower

Mayroong ancestral domain claim ang katutubong Dumagat-Remontado sa isa sa pinaka-biodiverse at pinakamalaking natitirang kagubatan sa Pilipinas. Sa bahaging ito ng bulubundukin ng Sierra Madre planong ipatayo ng pamahalaan ang nasabing “climate resilient” na dam para pagkunan ng tubig para sa Metro Manila at mga kalapit na lungsod. Ang Kaliwa Dam ay bahagi ng New Centennial Water Source (NCWS), isang proyektong  sinigurado ni Pangulong Rodrigo Duterte na may pondong $235.9 milyon galing sa pautang mula sa Export-Import Bank of China sa ilalim ng programang “Build, Build, Build” ni Duterte at ng “Belt and Road Initiative” ng Tsina. Ang proyekto ay batay sa mga komprehensibong pag-aaral na isinagawa ng World Bank at ng Japan International Cooperation Agency.

Ang Pilipinas ay palagiang kabilang sa mga bansang pinakaapektado ng pagbabago sa klima. Dahil sa pagbabago ng klima,  ay naging mas madalas at mas mahaba ang mga panahong may kakulangan sa tubig sa bansa, kabilang ang Metro Manila. Ang Kaliwa Dam ay tugon ni Duterte sa nasabing kakulangan sa tubig, ngunit ang mga Dumagat, kabilang ang pinakamalaking pederasyon ng katutubo kababaihan sa lugar na tinatawag na Samahan ng mga Kababaihang Dumagat ng Sierra Madre (K-Gat), ay nananawagan sa gobyerno na maghanap ng ibang solusyon na hindi lumalabag sa kanilang mga karapatan.

Ang pagtatayo ng Kaliwa Dam ay magpapalikas sa  300 Dumagat-Remontado at magpapabaha sa 113 ektarya ng kagubatang pinagkukunan ng kabuhayaninuming tubig, pagkain, at mga gamot ng mga komunidad. Pinapakita ng mga isinagawang pag-aaral ng Department of Environment and Natural Resources at ng mga independiyenteng grupo na ang dam ay magpapababaha sa 12 sagradong lugar, magpapahamak sa mga endemikong wildlife at mga halaman, at magtutulak ng malawakang species migration Maisasapeligro nito di lamang ang mga katutubo sa kabundukan, kundi pati na rin ang mga komunidad ng magsasaka at mangingisda sa patag na dati nang nakaranas ng mga flash flood.

Pipigilan ng pagtatayo ng dam ang natural na daloy ng ilog, at ito ay  makaaapekto sa kakayahan ng ilog na magbawas ng  carbon dioxide sa hangin. Bagama’t ang malalaking dam reservoir ay inilalarawan bilang isang solusyon sa klima dahil binabawasan nila ang pag-asa sa mga fossil fuel, at bilang isang paraan upang maibsan ang mga kakulangan sa tubig, kabilang ang mga ito sa malalaking pinanggagalingan ng greenhouse gas na methane sa buong mundo. Ayon sa isang pag-aaral na nagsuri ng higit sa 250 dam, ang mga nabubulok na mga halaman tulad ng mga puno at damo na nalubog sa mga dam reservoir ay  naglalabas ng humigit-kumulang isang bilyong tonelada ng greenhouse gas bawat taon.

Ang mas mabuting pamumuhunan: Pamamahala ng komunidad sa mga di-trosong produktong gubat

Ang kababaihang Dumagat ay aktibo sa sustenableng pagtatanim, pag-ani, pagproseso, at pagbebenta ng mga di-trosong produktong gubat gaya ng pulot, ratan, pagkaing gubat, at resin mula sa endangered na puno ng almasiga. Sisirain ng Kaliwa Dam and mga produktong ito na inaasahan ng komunidad para sa kanilang ikabubuhay, pagkain, panggatong, gamot, kasiguruhan sa kita, at maging sa pagpapanatili ng tradisyonal na kaalaman. 

Kadalasang may higit na access at kontrol ang mga kababaihan sa mga di-trosong produktong gubat na madaling makalap. Gayunpaman, batay sa tradisyon, walang kontrol ang kababaihan sa kita mula sa mga pinagbentahan ng mga produktong ito. Limiitado rin ang kanilang access sa pormal o malalayong pamilihan dahil sa mga kagawiang naglilimita sa kanilang paglalakbay. Nagbago ito sa panahon ng pandemya nang ang mga residente sa Metro Manila ay wala nang access sa mga pamilihan dahil sa lockdown. Sinamantala ng mga kababaihan ng K-Gat ang pagkakataong ito na ibenta ang mga produkto mula sa kanilang lupaing ninuno at mga sakahan ng kapwa Dumagat sa mga mamimili ng Metro Manila sa panahong mahirap kumita. Sa kabila ng di paniniwala ng ilang miyembro ng komunidad sa ideya ng K-Gat dahil ang grupo ay binubuo ng ‘mga kababaihan lamang,’ nagtagumpay ang K-Gat at ngayon ay nagpaplano itong bumuo ng isang kooperatiba upang matiyak ang sustenable at patas na kalakalan ng mga produkto nito.

Ang proyekto ng Kaliwa Dam ay makakagambala sa kakayahan ng kababaihang Dumagat na gawin ito. Ang pagbebenta ng mga di-trosong produktong gubat ay nagbibigay ng sari-saring pinagkukunan ng kita para sa komunidad, na nagpapataas ng kanilang kakayahang umangkop at tumugon sa mga matitinding epekto ng pagbabago sa klima dahil ang kanilang kita ay hindi nakadepende sa isang species o pananim. Ang pagpaparami ng mga klase ng pagkain ay nakakatulong sa food sovereignty ng komunidad. Ang mga produktong ito ay maaari ring indirektang makatulong sa pagbawas ng carbon dioxide sa pamamagitan ng pangangalaga sa kagubatan.  Ang produksyon ng pulot, pagkain mula sa gubat, at rattan ay nangangailangan ng buhay na kagubatan, kaya nagsislbi itong dahilan upang protektahan ang mga sistema ng kagubatan at maiwasan ang pagkaubos ng mga ito. 

Sa pamamagitan ng paggampan ng mahalagang papel sa pangangalaga ng kagubatan, ang mga di-trosong produktong gubat ay nakatutulong sa pagpapabuti ng kalidad at suplay ng tubig sa lugar. Ang mga malulusog na gubat ay nagsisilbing taga-sala ng dumi upang manatiling malinis ang tubig at makontrol and pag-ikot ng tubig sa pamamagitan ng impluwensiya ng mga ito sa proseso ng pag-ulan, at pagsingaw ng tubig pabalik sa hangin. Ang mga Dumagat, na ang kultura ay mahigpit na nakatali sa kanilang umaagos na ilog, ay umaasa sa tubig na ito para sa kanilang pagkain at pang-araw-araw na kabuhayan. Nangingisda sila sa gamit ang tradisyunal na pamamaraan tulad ng sibat, iniiwasan ang paggamit ng mga kemikal at pestisidyo, at pinananatili ang mga puno sa tabing-ilog upang matiyak ang access dito ng susunod na henerasyon. Ang paghahanap ng solusyon sa kakapusan ng tubig sa Metro Manila at sa Pilipinas sa kabuuan ay kritikal, ngunit hindi dapat maging kapalit nito ang pinsala sa kabuhayan, tradisyon, kaalaman, at mga gawaing mahalaga para sa pamumuhay ng mga katutubo at lokal na komunidad.

Sino ang nangunguna sa ganitong solusyon sa klima na makatarungan kaugnay ng kasarian?

Noong 2019, ang mga pinunong  kababaihan mula sa tatlong lupaing ninuno ng mga Dumagat sa Timog Sierra Madre ay nag-organisa ng pinakamalaking pederasyon ng mga katutubong kababaihan sa lugar, sa tulong ng partner ng GAGGA na  Non-Timber Forest Products – Exchange Programme (NTFP-EP) Philippines. Ang K-Gat ay nagsasagawa ng mga gawaing adbokasiya higgil sa karapatan ng kababaihan at katutubo, sa proteksyon ng kanilang lupaing ninuno at kalikasan, at sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng katutubong kababaihan. Nakikipagtulungan ito sa network ng mga organisasyong katutubo at civil society na tumututol sa pagtatayo ng Kaliwa Dam. Maaaring tignan ang sumusunod na link para sa dagdag na impormasyon:

 


Related Post

Relatório | Violência estrutural: o que aprendemos com mulheres e meninas defensoras do meio ambiente

Em função dos seus esforços na defesa de suas terras, territórios e recursos naturais, as mulheres e meninas defensoras do…

See more

NGO CSW66 Forum event recording | Structural violence: Learning from women and girl environmental defenders

In their efforts to defend their land, territories and natural resources, women and girl environmental defenders* (WGEDs) around the world…

See more

NGO CSW66 Forum event recording | #WeWomenAreWater campaign

On World Water Day 2022, the Global Alliance for Green and Gender Action (GAGGA) hosted an NGO CSW Forum event…

See more

Subscribe to our newsletter

Sign up and keep up to date with our network's collective fight for a gender and environmentally just world.