Ang pagharap sa climate emergency: Isang krisis na hindi natin ginawa


Ako si Sofía Gutiérrez, at lumaki ako sa gitna ng armadong labanan. Nagpapatuloy ang buhay sa Colombia habang lumalala ang karahasan. Ang mga kuwentong pampatulog noong aking pagkabata ay mga kuwento ng aking lola tungkol sa kung paano kinailangang tumakas nila ng kaniyang pamilya mula sa karahasan sa kanayunan. Nang kanilang malaman na ang mga taong nanatili sa kanayunan ay namatay, sila ay lumaki sa takot ngunit ninais pa rin na makamit ang pagbabago at ang lumaban para sa hustisya.

Ngunit ang mga ito ay hindi lamang kuwento; ito ay ang mga realidad na araw-araw nararanasan ng mga taong mula sa mga pinaka-bulnerableng lugar sa Colombia. Sila ay walang panahong matakot sapagkat kinakailangan na sila ay lumaban. Kinakailangan nilang sabay na pigilan ang pagkasira ng kanilang komunidad mula sa ekstraktibismo at digmaan.

Ang Colombia ang pinakadelikadong bansa sa mundo para sa mga tagapagtanggol ng kalikasan; noong nakaraang taon, 65 na tagapagdepensa ng kalikasan ang pinatay. Bawat araw, pinipiling hindi pagtuunan ng pansin ng mga pinuno ng iba’t ibang bansa, mga bangko, mga korporasyon ang mga pinagdadaanan ng mga pinakaapektadong mga tao at lugar o most affected people and areas (MAPA), hangga’t hindi nila ito nararanasan.

Dinadala tayo nito sa isang pundamental na kaisipan: Parating naiiwan ang mga pinakaapektadong mga tao at lugar. Malaking dahilan ang hindi pagkilala sa amin ng mga modelong pang-ekonomiko bilang mga taong dapat tumatamasa ng pangunahing karapatang pantao. Noon pa man ay humaharap na sa krisis pangklima ang Global South; ito ay hindi na bago sa amin.

Ang batayan ng krisis pangklima ay inilatag noon pang panahon ng kolonisasyon. Kasama ng kolonyalismo ang malawakang eksploytasyon ng mundo at ang tahasang pagpatay sa mga partikular na lahi ng tao, ang pagpatay sa kaalamang katutubo. Pinaniniwalaan ng maraming tao noon na ang aming bansa at ang aming mga ninuno ay inihandog sa mga kolonyal na pinuno bilang regalo upang kanilang maatim ang kanilang mga pangangailan ng walang limitasyon. Kanilang ipinagsawalang-bahala ang ideya ng kabanalan at ang preserbasyon ng mga likas na yaman.

Bilang resulta nito, nakikita pa rin natin sa ating mga pang araw-araw na buhay ang dinamiko ng mas matinding konsumpsyon at ekstraktibismo na nagpapatuloy na pinapalakas ang ekonomiya ng Global North. Kaugnay nito, mahalagang kilalanin ang ebidensya na ang mga bansang dating kolonya ay mas kaunti ang inilalabas na greenhouse gases. Para sa mga nananamantala, kami ay hamak na tagapagtustos ng kanilang mga pangangailangan, ngunit kami ay nananatiling humaharap sa mga pinakamalalang bunga ng krisis pangklima – ang krisis na hindi naman namin ginawa.

Ano ang susunod na hakbang na dapat tahakin? Dapat itigil ang pagpipinansya sa fossil fuels at maisakatuparan ang isang makatarungang transisyong pang-enerhiya.

Ito ang aking isinusulong sa aking aktibismo. Noong Agosto ng 2019 ko nahanap sa aktibismong pangklima ang aking kanlungan, noong masunog ang bahagi ng kagubatan ng aking bansa. Habang lumalalim ang aking paglahok sa kilusan para sa klima, aking napagtanto ang kalakihan ng relasyon sa pagitan ng pagbabago ng klima at hustisyang panlipunan, sa pamamagitan mismo ng pakikinig sa mga kuwento ng mga taong nagdurusa dahil sa mga epekto ng pagbabago ng klima sa aking bansa. Mula sa karanasan ng aking pamilya, parati naming hinihintay kung ang mga ulan sa panahon ng tag-ulan ay magdadala ng pagbabaha at papalubugin ang aming tahanan.

Nasimulan kong maintindihan na hindi makasusulong ang aking bansa sa mga usaping pangkalikasan kung wala kaming paraan para magkaroon ng edukasyon at impormasyon sa patungkol sa pag-alam kung paano namin poprotektahan ng wasto ang aming mga teritoryo at upang matulungan na gumamit ng legal na kasangkapan ang mga nangunguna sa laban. Nagkaroon ako ng pagkakataon na maging bahagi ng mga pambansang pag-uusap kasama ang aming pamahalaan tungkol sa fracking, ang pagdeklara ng emergency na pangklima at mga paksang pang-edukasyon. Sa aking pagkasangkot sa pulitika, ako ay nabigyan ng pagkakataong makatrabaho aang aming lokal na pamahalaan at nagpasya ako na aking ipaglalaban ang pagkakaroon ng kalidad na edukasyong pangkalikasan. Matapos ang masigasig na pagtatrabaho kasama ng mga NGO, mga mamamayan, at mga tagapagtanggol ng karapatang pantao at kalikasan, nagdeklara ng Climate Emergency ang Bogota sa lokal na konseho at mula dito ay nagsimulang gumawa ng mas makakalikasang polisiya ang munisipyo.

Sa kasalukuyan, ako ay bahagi ng isang organisasyon ng kabataan na tinaawag na Pacto X el Clima. Kami ay nagsimula bilang isang kabataang kilusan at ang aming pangunahing hangarin ay mabigyan ng kapangyarihan ang kabataan sa mga espasyo ng pagpapasya. Sa kabutihang-palad, mula sa 12 na masisigasig na kabataang aktibista ay naging isang kabataang NGO kami na nilalabanan ang krisis pangklima sa pamamagitan ng iba’t ibang proyekto, tulad ng ginawa kong programa na nagsusulong ng edukasyong pangkalikasan at pangkapaligiran.

Naniniwala akong ang pagbabago ay nagsisimula sa pagkakaroon ng kaalaman at bahagi ng pangklimang pagkilos ay ang pagbibigay-daan sa pagkakaroon ng impormasyon at kalidad na edukasyong pangkalikasan sa mga kabataan bilang karapatan at hindi bilang pribelehiyo. Kapag abot-kamay ang impormasyon at ang nararapat na kondisyong pangkapaligiran para sa pagkatuto, ay nangangahulugan na may isa pang dagdag na tagapagtanggol ng ating panlipunan at pangklimang hustisya sa mundo. Ating tungkulin bilang mga aktibista, at mga taong nakapag-aral, na tumulong maatim ang pagkakapantay-pantay para sa iba upang matamasa din nila ang mga oportunidad na ating natatamasa. Para sa mga kabataan na nakatira sa mga pinakadelikadong bahagi ng Colombia at ng mundo, ang aksyong pangklima ay hindi dapat nangangahulugan na dapat nilang isaalang-alang ang kanilang mga buhay para ipagtanggol ang karapatang pantao.

Simula pa noong 2019 ay nagsasagawa ako ng mga pagsasanay tungkol sa kung paano kumilos at tulungan ang iba na kumilos sa krisis pangklima sa iba’t ibang klase ng tao (lalo na ang kabataan), kasama na ang mga mga pamahalaan at mga NGO. Sa pamamagitan ng aking aktibismo ay inaasahan kong makagawa ng pagbabago sa lipunang aking kinagagalawan at sa pamamagitan noon ay maipabuti ang kalagayan ng mundo.

 

Si Sofía Gutiérrez ay isang Colombian na aktibistang pangklima na kasapi ng Pacto X el Clima at ng Fridays For Future MAPA. Maaari ninyong panoorin dito ang kamakailan lamang na talumpati ni Sofia ilang araw bago ng COP26 sa isang climate strike sa Sweden.


Related Post

Job vacancy: Advocacy & Collaborations Coordinator

The Global Alliance for Green and Gender Action (GAGGA) is currently looking to recruit a full-time coordinator to support the…

See more

Job vacancy: Linking & Learning Coordinator

The Global Alliance for Green and Gender Action (GAGGA) is currently looking to recruit a full-time Linking & Learning Coordinator.…

See more

Report | Critical approaches to gender in mountain ecosystems

Women play a key role in nature conservation, yet they often lack the inputs, technologies, training and extension services, and…

See more

Subscribe to our newsletter

Sign up and keep up to date with our network's collective fight for a gender and environmentally just world.