Ang pakikibaka upang maipagpatuloy ang ating magandang pamumuhay


“Sa kasalukuyang panahon, hindi na natin malaman kailan tataas o bababa ang katubigan.”

Ixé Márcia Mura, sé mira sá Mura, sé rendawa sé rera Maloquinha em Nazaré no paranã Madeira. Ako si Márcia Mura. Ako ay nabibilang sa mga tao ng Mura, ang aking baryo ay ang Maloquinha sa distrito ng Nazaré sa ilog ng Madeira, sa estado ng Rondônia, sa Brazil.

Huli akong nakapunta sa Nazare noong ako ay sampung taong gulang. Panahon ng pagbabaha noon at lumangoy ako sa tubig kasama ng aking mga pinsan. Naalala ko na dito kami nangisda kasama ng aking tita at kumukuha siya ng tubig mula sa ilog upang kaniyang inumin; kaniyang isinasala ang maputik na tubig patungo sa isang kaldero gamit ang isang malinis na tela. Sa pagbabalik-tanaw sa aking mga alalaala ng Ilog Madeira noong ako ay lima hanggang sampung taong gulang, posible pa noon na inumin ang tubig mula sa ilog. Ngunit ngayon ay hindi na ito posible lalo na noong nagdulot ng matinding pagbaha ang mga hydroelectric dam at nakontamina ang tubig sa ilalim ng lupa.

Dati, ayon sa mga nakatatanda, ang mga maliliit na tila-butiki na hayop ay nagpaparami lamang sa isang tiyak na panahon sa bawat taon, kung kailan hindi sila maaabutan ng tubig. Ngayong aking nabigyang-pansin ito, aking napagtanto na naaabot na ng tubig ang mga maliliit na puting itlog ng mga butiki na nakasiksik sa mga haligi ng mga bahay at puno. Patuloy na humuhuni ang mga ibon ng huning nagbababala tuwing tumataas at bumababa ang tubig, ngunit ang tubig ay tumataas bago at bumababa matapos ng nakasanayang panahon. Gayundin, ang mga halaman at hayop na nasa paligid ay hindi na maaasahan sa pagtukoy kung panahon na ba ng pagbabaha, tagtuyot, ng pagtatanim at pag-aani. Ngayon, ang mga hydroelectronic na dam na ang nagdidikta ng lahat ng ito.

Ang mga pamamagitan sa ilog ay nagdulot ng maraming problema sa teritoryo ng lokal na komunidad at katutubong teritoryo – kahit ang panahon ng pag-ulan ay nag-iba na. Kasama ng Nazare, ang iba pang komunidad at baryo sa baybayin ng Ilog Madeira ay walang suplay ng maiinom na tubig. Mahirap makakuha ng tubig sa panahon ng tagtuyot at kahit na maraming tubig sa panahon ng tag-ulan, hindi naman ito ligtas para inumin. Mas mahirap na rin ang nabigasyon sa ilog sapagkat sa panahong hindi umuulan, ang ilog ay masyadong tuyo at nagbibigay-daan sa paglabas ng mga baybayin na wala naman noon.

Noong matapos ang Setyembre, nagpunta ako sa lungsod ng Uruapeara sa estado ng mga Amazona sa pamamagitan ng sinaunang ruta na ginamit pa ng mga ninuno ng mga Mura. Aking sinundo ang aking ina, na nagpapanumbalik ng dating kalagayan ng kakahuyan ng buyo, na naroon na noong panahon pa ng aking lola sa tuhod. Mainit noon sa kung saan nanggagaling ang tubig at maging sa baybayin ng kalapit na lawa, at nagkaroon din ng matinding pag-ulan. Sa aking nasaksihan, tinanong ko sa aking ina: Inay, hindi po ba ang panahon ng mga pagpaparami ng jaguar at pagbagyo noong Agosto?” Sabi niya: “Dati iyon. Umusad na ang tag-ulan tuwing Setyembre.

Sa ganoong paraan namin nararamdaman ang pagbabago ng klima at nakararanas ng pagbabaha, pagbagyo ng ‘di oras, at matinding pag-init, kahit sa mga lugar na pinanggagalingan ng mga lawa at gubat. Alam nating lahat na malaking bahagi nito ay dulot ng mga kriminal na pagsusunog, pagkakalbo ng kagubatan at pamamagitan sa mga ilog ng mga hydroelectric na dam. Sa kabuuan, patuloy na lumiliit at sinasakop ang lupang ninuno ng mga magsasaka, mga nagtotroso, mga minero, at mga pagsusunog; ang teritoryong Mura ay hindi naipapakita sa opisyal na mapa ng estado.

Kailan nating subukan na baligtarin ang mga negatibong epektong pangkalikasan at pangklima, tulad ng sinabi ni Ailton Krenak na isang aktibistang katutubo at aktibista para sa karapatang pangkalikasan, at maghanap ng mga paraan upang hindi matuloy ang pagtatapos ng mundo. Sa ganitong pananaw, ang kolektibang Mura ay nagsisigasig na palakasin ang mga tradisyunal na komunidad sa baybayin ng Ilog Madeira sa kanilang pagharap sa mga proyektong pagpapaunlad na iginigiit ng mga gobyerno ng walang konsiderasyon sa aming mga buhay. Idinedeklara ng gobyerno na ang mga proyektong ito ay magdadala ng kaunlaran, ngunit nagdadala lamang sila ng kamatayan sa aming mga ilog, sa mga isda at sa kabuuan ng kalikasan. Ang aming pangunahing aksyon ay nakapokus sa aming pahayag bilang Mura:

Aming ipinapahayag na ang munisipalidad ng Porto Velho, higit sa lahat, ay teritoryong Mura. Kami ay magsisigasig na palakasin ang aming pagkakaugat sa pamamagitan ng paghahabi ng alaala ng aming mga ninuno, at kami ay lumalaban para sa pagkilala at pagbabalik-ayos ng aming katutubong alaala at kasaysayan ng Ilog Madeira. Kahit may mga pagsubok, nagpapatuloy kami sa pagdepensa sa kabuuan ng kalikasan kung saan kami nabibilang, at gayundin ay patuloy kaming lumalaban upang mapanatili ang aming mabuting pamumuhay.

Sa kasalukuyan ay ibinabalik namin sa dati nitong kalagayan ang Ilog Madeira at ang mga kababaihan ang nasa harap ng paglaban na ito. Habang may Mura sa Ilog Madeira na sisigaw at lalaban, ay patuloy na magkakaroon ng paglabang Mura. Kung hindi, ang aming Amazon – na siyang baga ng mundo – ay hindi magtatagal.

 

Si Marcia Mura ay nagsusulat para sa pangkalahatan ng kolektiba ng katutubong Mura, na binuo ng mga taong nagbabalik ng dating kalusugan ng Ilog Madeira. Nilalayon nilang palakasin ang identidad at alaala ng mga ninuno ng mga tao ng Mura sa Porto Velho at sa mga komunidad sa tabing-ilog sa baybayin ng Ilog Madeira; isulong ang mga aksyon kasama ng lokal na komunidad upang kilalanin ang “katutubong pamamaraan ng pamumuhay”; makilahok sa rehiyonal at pambansang katutubong pagkilos na lumalaban para sa karapatang panlipunan at pangkalikasan; palakasin ang malikhain at tradisyonal na proseso ng produksyon upang masiguro ang lokal na pagkakaroon ng kita; at magsulong ng mga aksyong nagbibigay-ambag sa pagpapabuti ng sabay at magkaugnay na pamumuhay sa loob ng biome ng Amazon at ang paglaban sa pagbabago ng klima.


Related Post

October 2021 | Now is the time for urgent climate action

With extreme weather events impacting every region of the world in recent months and stark warnings from the latest IPCC report,…

See more

दक्षिणी विश्वका नारीवादीहरुका तर्फबाट कोप निर्णयकर्ताहरूका लागि : जलवायु न्यायका लागि आमूल परिवर्तन

“जलवायु न्यायको अर्थ… – अस्थिर उत्पादन, उपभोग र व्यापार सहितका जलवायु संकटका कारक तत्वलाई सम्बोधन गर्दै – समानता र मानव…

See more

Report | Intrinsically linked: gender equality, climate and biodiversity

The worldwide climate crisis, loss of biodiversity and continuing gender inequality are intrinsically linked. Solving the climate and biodiversity crises…

See more

Subscribe to our newsletter

Sign up and keep up to date with our network's collective fight for a gender and environmentally just world.