Blog series: Hustisya ang Puso ng Aksyong Pangklima


Sa tuwing magkakaroon ng mga sakunang dulot ng pagbabago ng klima tulad ng mga bagyo, pagbabaha o tagtuyot, ang pinaka naaapektuhan ay ang mga komunidad na mas kakarampot lamang ang ambag sa pagbabago ng klima. Sintomas lamang ito ng mas malaki at mas matagal ng krisis ng hindi pagkakapantay-pantay ng lipunan, kasarian at lahi na nagmumula pa sa kolonyalismo. Ito ang panahon kung saan nagsimulang magpayaman ang mga bansang nag-industriyalisa at mga korporasyon sa pamamagitan ng pangunguha ng mga likas na yaman at pagsusunog ng fossil fuel kapalit ng pang-aabuso, pagpapaalis at paggamit ng dahas laban sa mga komunidad na kabilang sa Global South.

Magiging posible lamang ang makabuluhang pagtugon sa pagbabago ng klima kung ating pagtutuunan ng pansin ang puno’t dulo ng suliraning ito at baguhin ang mga istruktura na nagdala sa atin sa ganitong sitwasyon. Ito ang tinutukoy naming kahulugan ng “hustisyang pangklima.” Pinapatunayan ng krisis pangklima, na tulad ng pandemyang dulot ng COVID-19, ay hindi lamang pinapalakas ng pandaigdigang kagipitan o emergency ang hindi pagkakapantay-pantay na ating nararanasan, datapwat ang epekto nito ay lalo pang pinapatindi o pinapalalim.

Mas matindi ang epekto ng krisis pangklima sa mga kababaihan at kabataang kababaihan kumpara sa kalalakihan. Ang mapanghigpit na kagawiang kultural at tungkuling pangkasarian bilang pangunahing tagapagbigay-alaga at tagapaghatid ng makakain, tubig at panggatong ay iilan lamang sa maraming salik na nangangahulugang ang kababaihan ang madalas nauunang maapektuhan ng mga epekto ng pagbabago ng klima. Matagal ng nangangampanya at nangunguna ang mga kababaihan at ang kanilang mga komunidad para sa mga makatarungang aksyong pangklima – mula sa paggamit ng katutubong kaalaman at pagkakaroon ng soberanya sa pagkain, hanggang sa pagtutol sa pangunguha ng fossil fuel at pag-ambag sa lokal at pambansang pangkalikasang polisiya.

Gayunpaman, hindi nabibigyang-pansin ang kanilang mga pangangailangan, hinihiling, at ipinapanukala. Sa pagsisimula ng COP26 sa linggong ito, na pinakamahalagang talakayang pangklima mula pa noong Paris, ay makikitang hindi lalagpas ng 30% ang kabuuang representasyon ng kababaihan sa pambansa at pandaigdigang kinatawang nakikipagtalakayan tungkol sa klima. Noong nakaraang lamang na COP UN climate summit, pinagtibay ng mga gobyerno ang Gender Action Plan na tinitiyak ang “patas at makabuluhang pakikilahok ng kababaihan” sa mga talakayang pangklima, lalo na ang mga kababaihan mula sa mga organisasyong grassroots, at kasama na rin ang mga lokal na komunidad at mga katutubo. Sa paglipas ng panahon, makikita nating nagpapatuloy ang hindi pagkakapantay-pantay sa COP, na nagdudulot pa rin ng hindi sapat na representasyon ng kababaihan, kabataang kababaihan at mga komunidad mula sa Global South – na bahagyang naidulot ng COVID-19 at mga pagbabawal sa pagbyahe.

Nakasalalay sa mga desisyong gagawin sa COP26 at mga susunod pang usaping pangklima  kung paano tutugunan ng mga pamahalaan ang pangklimang emergency; ang pagsasantabi ng mga taong pinaka naapektuhan ng krisis na ito ay magbubunga lamang ng mga solusyong magpapalala sa hindi pagkakapantay-pantay.

Ang pagbawas ng carbon emissions upang limitahan ang pandaigdigang pagtaas ng temperature sa 1.5°C at ang pagkakaroon ng napapanahong teknolohiya ay kritikal, ngunit ang ating pagtugon sa krisis pangklima ay dapat inuuna ang pagbuo ng isang lipunang nakasentro sa hustisyang panlipunan, karapatang pantao at pangangalaga sa sangkatauhan at sa ating mundo.

Sa mga susunod na linggo ay maglalathala kami ng sunod-sunod na blog post mula sa aming mga katuwang at kaalyadong nagtratrabaho para maabot ang lipunang nais natin at kumakatawan sa iba’t ibang tinig mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo: campesinas feministas, mga kabataang aktibista para sa klima, kolektibo ng mga katutubo, black at migranteng kababaihan, mga grupong ng mga taong may kapansanan, mga kabilang sa komunidad ng LGBTQI+ at mga organisasyong nagsusulong ng karapatang pangklima at pangkasarian. Ibabahagi nila ang kanilang mga karanasan na naglalarawan kung bakit ang karapatang pangkasarian at pangkasarian ay karapatang panlipunan, at bibigyang-diin ang kanilang mga hiling at panukala para sa pamamaraan o daang nagsusulong ng hustisyang pangkasarian at pangklima. Nais naming maipakita sa mga kuwentong ito na ang ating pagtutulungan ay magbubunga ng transpormatibong pagbabagong kinakailangan natin upang magkaroon ng hinaharap na mas inklusibo, sustenable at may hustisyang pangkasarian.


Related Post

Anamika Dutt's picture with the text, "welcoming Anamika Dutt, GAGGA's PMEL Officer"

Welcoming Anamika Dutt As GAGGA’s Planning, Monitoring, Evaluation & Learning (PMEL) Officer!

Anamika Dutt is a feminist MEL practitioner from India. Anamika believes that stories of change and impact are best heard…

See more

Bringing Local Realities to Board Level: GAGGA and Both ENDS Partners at the GCF B38 in Rwanda

Last week Both ENDS participated in the 38th Board Meeting of the Green Climate Fund in Kigali, Rwanda, together with…

See more

We Women Are Water – Call To Action To Support And Finance Gender Just Climate Action

Gender just climate action and solutions are in urgent need of your support Women, girls, trans, intersex, and non-binary people…

See more

Subscribe to our newsletter

Sign up and keep up to date with our network's collective fight for a gender and environmentally just world.