Kababaihan ipinanumbalik ang bakawanan sa Niger Delta
Buod: Ang patuloy na pamumuhunan sa pag-extract ng fossil fuel ang mga internasyunal na institusyong pampinansiya ay nagdadala sa krisis sa klima sa mapanganib na antas at nagpaparumi sa tubig ng mga lokal na komunidad, at samakatuwid, nakaaapekto sa kanilang kabuhayan, kalusugan at pinagkukunan ng mga pagkain. Dapat ibaling ng mga institusyong ito ang mga rekurso patungo sa tunay at gender-just na mga solusyon sa klima na ipinatutupad ng mga kababaihan sa Niger Delta: ang pagpapanumbalik ng mga bakawan.
Ang reyalidad ngayon: patuloy na pamumuhunan sa pagkuha ng fossil fuel
Nasaksihan ng magsasaka at mangingisda ng Yaataah sa Yorla Oil Field sa Niger Deltaang lumalalang polusyoni ng kanilang tubig. Sa mga dekadang nakalipas, nakasanayan ng mga kababaihan na ibabad ang kanilang mga kamoteng kahoy nang ilang araw sa Ilog ng Yaataah upang maburo, bago iproseso bilang pangunahing pagkain. Ang mga kababaihang Kwawa sa lugar ay mga kilalang magpapalayok na ang ikinabubuhay ay ang paghubog ng putik mula sa ilog upang maging tradisyonal na palayok para sa mga sayaw, lalagyanan ng halamang gamot o pampalasa, at mga inumin, at gamit-panluto. Ang mga tubig nila ngayon ay labis ang kontaminasyong dulot ng mga hydrocarbon mula sa petrolyo, at di na magamit sa pagburo ng kamoteng kahoy at paggawa ng mga palayok, at sa pampang ng ilog ay maraming makikitang patay na isda at alimango.
Sa komunidad ng Yaataah matatagpuan ang isang oil flow station na may tatlong oil well, at ang kanilang ilog ay kontaminado ng mga tumatagas na krudo mula sa mga aktibidad ng Shell Petroleum Development Company kasama ang joint venture company nito na Nigeria National Petroleum Corporation. Sa paglipas ng panahon, nasaksihan ng komunidad ang epekto ng gas flaring, oil exploration, at artisanal refining; kabilang rito ang pag-ulan ng asido, polusyon mula sa abo, mataas na temperatura, pagkatuyo ng lupa, mas mataas na taib o high tide, pagka-antala ng ulan, desertipikasyon, pagkasira ng mga tirahang dagat, at pagkawasak ng bakawan.
Ang ilang mga lugar sa Niger Delta, kung saan naubos ang bakawanan dahil sa lason ng tumagas na langis, ay napalitan na ng mga nipa — isang uri ng halamang dinala rito mula sa ibang lugar mahigit isang siglo na ang nakalipas Sa nakalipas na apat na dekada, kumalat ang nipa sa Ilog ng Yaataah at sinira ng mga ito ang mga katutubong bakawanna nagsisilbing mahalagang pangitlugan ng mga isda at crustacean, at tagasipsip ng carbon dioxide mula sa hangin. Mas naging mahirap ang buhay ng mga kababaihan na umaasa sa panghuhuli at pagbebenta ng West African Mud Creeper, isang uri ng suso na pangunahing sangkap ng lokal na lutuin.
Ang mas magandang pamumuhunan: pagpapanumbalik ng bakawanan
Ang Niger Delta ay pangatlo sa pinakamalaking bakawanan sa mundo at ang mga bakawan nito ay mahalagang likas na solusyon sa krisis ng pagbabago sa klima. Ang mga bakawan ay apat na beses ang laki ng kayang sipsiping carbon dioxide kumpara sa mga tradisyonal na rainforest. Dahil sa makapal o mayabong na mga ugat, ang mga ito ay nagbibigay proteksyon sa dalampasigan mula sa baha at bagyo, at pumipigil sa pagkaanod ng dalampasigan. Pinananatili rin ng mga ito ang kalidad at linaw ng tubig.. Ang mga ito ay sentro ng biodiversity habang nagbibigay ng iba’t ibang benepisyo saekonomiya. Ngunit maaaring tuluyang mawala ang mga bakawan sa Niger Delta sa susunod na 50 taon kung magpapatuloy ang mabilis na pagdami ng mga nipa at di mareresolba ang oil spill.
Dahil sa pagkawala ng nahuhuling shellfish na pambenta dulot ng pagubos ng bakawan, kusang kumilos ang kababaihan. Ang Lokiaka Community Development Center, isang lokal na organisasyon para sa karapatang pangkasarian at pangkapaligiran, ay nagsanay ng 250 na mga kababaihan sa sa pagpapanumbalik ng bakawan at pamamahala ng biodiversity upang mapataas ang carbon sequestration, ibalik ang kabuhayan ng mga tao, ipanumbalik ang biodiversity, at alisin ang petroleum hydrocarbon sa tubig. Sa prosesong ito, nagawang alisin ng mga kababaihan ang nipa sa 36 na sukat ng lupain, at naibalik ang humigit-kumulang isang milyong bakawan — at simula pa lamang ito. Plano ng Lokiaka Centre na ipanumbalik ang di bababa sa 500,000 na bakawan kada taon at 5 milyong bakawan sa loob ng isang dekada.
Ang mga ginagawa ng Lokiaka ay nag-aambag sa pagpigil at pag-angkop sa pagbabago sa klima habang tinitiyak na ang mga kababaihan sa komunidad ay kasangkot sa proyekto, mula sa disenyo hanggang sa pagpapatupad nito. Sa pamamagitan ng pagpapanumbalik ng kanilang nasirang kalikasan, ang mga kababaihan ng Lokiaka ay nakakakita na ng unang senyales ng pag-asa na ang kanilang kabuhayan ay mapapanumbalik at lilinis din ang tubig: Nagbalik na ang mga crustacean sa mga bakawan.
Sino ang namumuno sa solusyon sa klima na makatarungan sa usapin ng kasarian?
Ang Lokiaka Community Development Center ay isang lokal na partner ng Both ENDS, Global Greengrants Fund at Mama Cash, na mga kasapi ng Global Alliance for Green and Gender Action. Itinatag noong 2009, ito ay isang organisasyong pinamumunuan ang sarili na kumikilos para sa, at katuwang ng mga katutubong kababaihang magsasaka at mga aktibista para sa karapatang pantao mula sa Niger Delta. Ang grupo ay nagbibigay ng pagsasanay at nakikibahagi sa adbokasiya, pangangampanya, pagpapanumbalik ng kagubatan, konserbasyon at pamamahala, pakikipag-alyansa, at pagpapalitan ng kaalaman upang matiyak ang mga karapatan sa lupa ng mga katutubong kababaihan at matiyak na ang mga kababaihan ay nakikita bilang mahalagang stakeholder sa pagdedesisyon tungkol sa kanilang lupain at kapaligiran.
Ang Lokiaka Community Development Center ay nagsasagawa ng mga kampanyang naggigiit sa sa Shell at sa gobyerno ng Nigeria na magbigay ng maiinom na tubig sa mga komunidad, at nagtutulak sa mga ito na linisin, ayusin at ibalik ang kapaligiran ng Ogoni. Maaari mong sundan ang kanilang mga gawain dito, at matuto nang higit pa sa mga sumusunod na link:
Report: Seeds for Harvest – Funding for Gender, Climate, and Environmental Justice
The world has drastically changed in recent years, from the COVID-19 pandemic and ongoing conflicts to the rise of authoritarianism…
Call for Consultancy: Evaluation of GAGGA 2.0 Programme
The Global Alliance for Green and Gender Action (GAGGA) is seeking a consultancy firm or a team of consultants to…
Welcoming Anamika Dutt As GAGGA’s Planning, Monitoring, Evaluation & Learning (PMEL) Officer!
Anamika Dutt is a feminist MEL practitioner from India. Anamika believes that stories of change and impact are best heard…
Subscribe to our newsletter
Sign up and keep up to date with our network's collective fight for a gender and environmentally just world.