Kababaihang Mayan Ch’orti binawi ang karapatan sa teritoryo at access sa tubig
Buod: Patuloy na namumuhunan ang mga internasyonal na institusyong pampinansya tulad ng Inter-American Development Bank sa produksyon ng biofuel. Ito ay huwad na solusyon sa pagbabago sa klima. Matagal nang napag-alaman na ang produksyon ng biofuel ay nagpapataas ng greenhouse gas emission, nagsisilbing banta sa suplay ng pagkain, at nagpapalays sa mga lokal na komunidad. Isinasapraktika ng mga kababaihang Maya Ch’orti at ng kanilang komunidad ang mga tunay na solusyon sa pagbabago sa klima: ang pamamahala ng komunidad sa kanilang tubig, at ang pagpaparami ng uri ng pananim -upang umangkop sa epekto ng pagbabago sa klima.
Ang reyalidad ngayon: pamumuhunan sa malaking agribusiness para sa produksyon ng biofuel
Labimpitong taon nang iginigiit ng mga Mayan Ch’orti’ ang pagmamay-ari sa mga lupaing tinirhan nila at ng kanilang mga ninuno sa nagdaang mga henerasyon. Ang pagkakait sa kanila ng mga titulo sa kanilang komunal na lupain ay nangangahulugan din ng pagkakait sa kanila ng access sa tubig at seguridad sa pagkain. Ang pagpapalawak ng monoculture na pagtatanim ng jatropha (kilala sa lokal bilang piñón) sa kanilang teritoryo ay isa sa mga dahilan ng pagkakait sa mga Ch’orti sa kanilang lupain. Tinatanim ang jatropha para sa produksyon ng ethanol fuel. Aalalaking kumpanya ng biofuel ay nagmomonopolisa sa mga yamang tubig at napapalayas ng lokal na komunidad mula sa kanilang mga lupain.
Lumalawak ang mga monoculture na plantasyon ng tubo, Jatropha at oil palm sa Guatemala. Isa sa mga dahilan nito ay upang matugunan ang pangangailangan ng Europa para sa biofuel. Ang biodiesel mula sa mga nasabing pananim ay matagal nang itinuturing na maaaring pamalit na renewable energy sa diesel. Ngunit ilang pag-aaral na ang nailathala na nagpapatunay na ang biofuel ay hindi talaga ang madaling solusyon sa pagbabago sa klima na ipinapangalandakan ng mga pulitiko at korporasyon. Napag-alaman ng isang pag-aaral mula kay Paul Crutzen, isang chemist na nanalo ng Nobel Prize noong 2007, na sa halip na napapababa, ay nakakapagpataas pa ng green house gas emission ang pagtatanim at pagsusunog ng maraming biofuel. Ito ay bukod pa sa mga ulat tungkol sa pagiging banta ng biofuel sa suplay ng pagkain at sa kabuhayan ng mga magsasaka.
Ang Guatemala ang ikaapat sa pinakamalaking taga-export ng asukal sa buong mundo, at pinagmumulan ng humigit-kumulang na 44% ng ethanol mula sa tubo ng Central America. Malaki ang pamumuhunan ng Estados Unidos at ng mga internasyonal na institusyon ng pagpapautang, gaya ng World Bank, Inter-American Development Bank (IDB) at Central American Bank for Economic Integration, sa produksyon ng Guatemala ng tubo para sa produksyon ng ethanol. Sinabi ng Inter-American Development Bank na ang industriya ay maaaring magdala ng pera at mga trabaho sa ekonomiyang rural ng Guatemala kung ito ay mapapaunlad nang tama. Naglaan sila ng US$150 milyon para tustusan ang “mga kumpanya at mga exporter ng asukal at bioenergy” sa Latin America, kabilang ang Guatemala.
Ang mga batas sa United States at Europe na nag-atas sa dagdag na paggamit ng biofuel sa mga sasakyan ay nag-ambag sa malaking pagtaas ng presyo ng pagkain, at sa kakulangan ng lupa para sa pagtatanim ng pagkain sa Asia, Africa at Latin America. Dahil dito, dumami ang mga industriyang bumaling sa jatropha, isang di nakakaing damo na tumutubo sa lupang hindi angkop sa mga nakakaing pananim at nagbubunga ng mataas na ani ng langis para sa mas maliit na lawak ng lupain. Natuklasan ng mga mananaliksik na ang jatropha ay nangangailangan ng limang beses na mas maraming tubig sa bawat yunit ng enerhiya kung ikukumpara sa tubo at mais, at nangangailangan ng humigit-kumulang na 20,000 litro ng tubig para sa bawat litro ng biodiesel na ginawa sa Guatemala.
Ang mas magandang pamumuhunan: Pamamahala ng komunidad sa tubig at pagpaparami ng uri ng pananim
Kahit binabawi na ng mga Ch’orti’ang kanilang mga teritoryo, patuloy pa ring nilalabag ng gobyerno at mga magsasaka ang kanilang mga natamong karapatan sa kanilang likas-yaman at kabuhayan. May ilan pa ring munisipyo ang tumatangging irehistro ang kanilang lupain sa pangalan ng kanilang katutubong komunidad. Bilang tugon, ang mga kababaihan ng Ch’orti’ ay nagmungkahi ng tatlong maaaring gawin noong 2019: ang pagpapatupad ng isang patakaran upang muling magtanim at mapanumbalik ang kagubatan sa mga komunal na lugar, kung saan pangunahing matatagpuan ang pinanggagalingan ng tubig; ang paggawa ng imbakan ng tubig upang masiguro na may tubig na magagamit ang mga pamilya; at patuloy na aksyong ligal upang gawing lehitimo ang karapatan ng katutubong komunidad at mapanagot ang mga responsable sa pagkasira ng kapaligiran sa mga teritoryong katutubo.
Matapos matuyo ang isang lagoon dahil sa action ng isang meyor ng munisipyo, ang mga katutubong pamilya sa komunidad ay napwersang mag-igib ng tubig na isang kilometro ang layo mula sa kanilang komunidad. Sa suporta ng COMUNDICH, nakapagtayo ang komunidad ng isang imbakan ng tubig.
Ang pagbabago sa klima at ang bumibilis na pagkasira ng lokal na ecosystem ay nakaapekto sa pagkakaroon ng tubig at kabuhayan ng komunidad ng Ch’orti,’ na nabubuhay sa agrikultura. Ang kanilang mga pangunahing pananim na beans at mais ay bulnerable sa madalas na tagtuyot na dulot ng pagbabago sa klima. Sa panahon ng pandemya, maraming mga pananim ang namatay, dahilan upang mabuhay lamang ang komunidad sa mais at ilang pangunahing butil.
Gamit ang tubig mula sa kanilang imbakan, nagawa ng komunidad na magtanim ng iba’t-iba at katutubong mga pananim na mas angkop sa kanilang lugar. Ang pagtatanim ng iba’t-ibang pananim ay nakapagpabuti sa pagkain ng mga tao, at sa maayos na paggamit ng kanilang lupain. Ang mga taniman ay nakatulong sa mga pamilya na makayanan ang kakulangan sa pagkain sa panahon ng pandemya. Sila ngayon ay nagpaplano na magtayo ng bagong imbakan ng tubig na mapapakinabangan ng higit sa 40 mga pamilya sa komunidad, lalo na sa panahon ng tagtuyot.
Sa ngayon, ang mga kababaihan ng Ch’orti’ ay patuloy na isinasapraktika ang kanilang minanang kaalaman sa pag-iingat at pagprotekta sa tubig. Patuloy din ang kanilang mga aksyong ligal upang makamtan ang kanilang mga karapatan sa lupa at masiguro ang kanilang access sa mapagkukunan ng tubig.
Sino ang namumuno sa solusyon sa pagbabago sa klima na ito na makatarungan batay sa pagkakapantay ng kasarian?
Ang network ng mga Katutubong kababaihang Mayan Ch’orti’ at COMUNDICH ay sinusuportahan ng Fondo Tierra Viva, na bahagi ng GAGGA network. Maaari mong subaybayan ang mga gawain ng COMUNDICH dito.
Welcoming Anamika Dutt As GAGGA’s Planning, Monitoring, Evaluation & Learning (PMEL) Officer!
Anamika Dutt is a feminist MEL practitioner from India. Anamika believes that stories of change and impact are best heard…
Bringing Local Realities to Board Level: GAGGA and Both ENDS Partners at the GCF B38 in Rwanda
Last week Both ENDS participated in the 38th Board Meeting of the Green Climate Fund in Kigali, Rwanda, together with…
We Women Are Water – Call To Action To Support And Finance Gender Just Climate Action
Gender just climate action and solutions are in urgent need of your support Women, girls, trans, intersex, and non-binary people…
Subscribe to our newsletter
Sign up and keep up to date with our network's collective fight for a gender and environmentally just world.