Kababaihang Qom, nag-organisa upang pangalagaan ang kanilang teritoryo sa Paraguayan Chaco


Sa maiksing kwento: Ang Green Climate Fund (GCF) ay namumuhunan sa mga bagong plantasyon ng punongkahoy sa pitong bansa ng Latin America at Sub-Saharan Africa. Kabilang dito ang Paraguay, kung saan maraming mamumuhunan, tulad ng mga agribusiness at mga NGO, ang nagtataguyod ng mga plantasyon ng punong eucalyptus sa mga lupaing katutubo. Ang mga ganitong plantasyon ay nagdudulot ng kakulangan sa tubig, pagkawala ng biodiversity, at pagkasira ng lupa. Dapat matuto ang GCF sa mga karanasang ito, at ilaan ang mga rekurso para sa mga solusyong totoo at makatarungan sa usaping kasarian, tulad ng pagpapanatil sa soberanya ng teritoryo ng mga kababaihang katutubo at ng kanilang mga komunidad.    

Ang nangyayari ngayon: pamumuhanan sa monoculture na plantasyon ng punongkahoy

Ang Paraguayan Chaco ay patag at tuyong lugar na nakararanas ng mahaba at mainit na mga panahon ng tag-init. Nagsasalitan ang mga tagtuyot at baha, na dulot ng krisis sa klima, at ang mga ito ay nakakaapekto sa access sa tubig. Ang mga katutubo at mga komunidad sa kanayunan ay matagal nang kumikilos para protektahan ang kanilang mga lupain mula sa mabilis na panghihimasok ng mga proyektong extractivist na mabilis na umuubos sa kagubatan at sumisira sa kapaligiran. Sa tindi ng pagkasirang dulot ng mga proyektong, ang Paraguayan Chaco, kasama ang Cerrado ng Brazil, ay naging pinakamalaking rehiyon sa Latin America na ginawang pastulan ng mga baka.   

Sa kaso ng mga katutubong Toba Qom sa Santa Rosa, kinakaharap nila ngayon ang modelo ng “sustainable development” na ipinipilit sa kanila ng NGO Fundación Paraguaya. Bilang bahagi ng programang kontra-kahirapan ng NGO, nagtataguyod sila ng monoculture na plantasyon ng eucalyptus na gagamitin para sa industriya. Ang kabuuang sukat ng lupaing nakatitulo sa komunidad ng Qom ay 1,117 na ektarya.  Kabilang dito ang 20 ektarya na balak gawing monoculture na plantasyon ng nasabing NGO, kahit walang paunang konsultasyon, at free and prior informed consent mula sa komunidad na rekisito ng kasalukuyang mga patakaran.  

Para kumita, ang mga plantasyon ay nangangailangan ng malawak na lupain. Nagdudulot ito ng pagpapalayas ng mga komunidad mula sa kanilang kinagisnang lupain at pinagkukunan ng kabuhayan.  Ang pagkasira ng mga puno at halaman, na pinagkukunan ng pagkain at kabuhayan, ay nakaaapekto sa kapakanan, kultura, soberanya, at pagsasarili ng komunidad, lalo na ng mga kababaihan na pangunahing  nangangalap o naghahanda  ng pagkain, at gumagawa ng mga handicrafts o produktong likhang-kamay. 

“TInututulan namin ang plantasyon ng eucalyptus dahil dito sa Chaco, kulang ang aming tubig,” pahayag ni Bernarda Pesoa, ang pinuno ng Qom at ng  Organización de Mujeres Artesanas de Santa Rosa (Organization of Artisan Women of Santa Rosa) na naglalayong ipagtanggol ang buhay, kolektibong karapatan, at mga karapatang sosyo-environmental. “Nariyan ang aming mga balon at mga namumungang halaman, at magdadala ng malaking pagkasira sa aming kapaligiran ang mga eucalyptus. Hindi namin makakain ang mga eucalyptus, ang mga ito ay negosyo lamang. NIlalabanan namin ang mga ito dahil kami ay tagapagtanggol ng kapaligiran; 40 pamilya lamang ang makikinabang rito, at hindi ang buong komunidad.”  

Ang gobyerno ng Paraguay, sa ngalan ng pag-unlad ng ekonomya at ng kanayunan, ay nagpapatupad ng reforestation gamit ang mga hindi katutubo at nakasisirang uri ng mga halaman, tulad ng eucalyptus, at itinatanghal nila ito bilang “tagumpay” para sa kapaligiran.  Ang Green Climate Fund (GCF), na nagsisilbing daluyan ng pamumuhunan ng UN Climate Change Convention,  ay nakapagbigay na nag humigit-kumulang $102 million para sa apat na proyekto sa Paraguay. Kabilang rito ang proyekto ng  Arbaro Fund na isang pribadong mamumuhunan na nakabase sa Germany.  Ang GCF ay sumusuporta sa Arbaro Fund sa plano nitong mamuhunan sa 75,000 ektarya ng bagong plantasyon ng puno sa pitong bansa sa Latin America at Sub-Saharan Africa, na diumano’y sisipsip at magiimbak ng  20 million tonelada ng carbon dioxide. 

Ang totoo, mas malaki lamang nang kaunti ang carbon dioxide na sinisipsip ng mga plantasyon kung ikukumpara sa lupaing kinonvert para gawing plantasyon. Mabilis at regular na inaani ang mga eucalyptus, kadalasan tuwing 10 hanggang 20 taon. Ang paulit-ulit na paglilinis, pagtatanim, at pag-aani, at ang kaakibat nitong pagpapasingaw ng carbon dioxide ay nagpapaliit sa kung anuman ang tinatayang benepisyo ng ganitong klaseng reforestation. Samantala, ang mga natural na kagubatan ay kayang sumipsip ng mahigit 40 beses na dami ng carbon dioxide  kung ikukumpara sa mga plantasyon ng puno para sa gamit-industrial, at kaya itong maipagpatuloy hangga’t hindi nasisira ang mga ito. Ipinapakita lamang nito na di epektibo ang pamumuhunan sa monoculture na plantasyon kumpara sa likas na mga ecosystem, bukod pa sa pagiging solusyon na lumalabag sa soberanya o sariling pagpapasya ng mga katutubo. 

Ang mga monoculture na plantasyon ay malawakang gumagamit ng mga pataba at agrokemikal na nagpaparumi sa tubig at lupa. Ang isang karaniwang puno ng eucalyptus ay kumokonsumo ng 85 litro ng tubig bawat araw, ayon sa World Agroforestry Center na isang internasyunal na institusyong tumututok sa usapin ng agroforestry. Sa lugar na may palagiang kakulangan sa tubig, lalong pinalalala ng monoculture ng ganitong puno ang kritikal nang kalagayan ng tubig. Sa mga karatig na komunidad ng Santa Rosa, ang mga plantasyon ay nagdudulot na ng tagtuyot at pagkaubos ng mga pinagkukunan ng tubig, at nang pagkasira ng lupa at pagkaubos ng biodiversity. 

Ang mas mahusay na pamumuhunan: Pagtatanggol sa soberanya ng lupaing katutubo

Nagsampa ng reklamo ang Organización de Mujeres Artesanas de Santa Rosa ng komunidad ng Qom sa mga tanggapang nangagasiwa sa usaping pangkalikasan, at naglunsad din ng mga demonstrasyon upang mas marami ang makaalam sa kanilang kalagayan. Dahil dito, nakaranas sila ng pisikal na pandarahas at mga pananakot. 

Para sa mga kababaihang Qom, ang pagtataguyod ng soberanya ng kanilang lupain ay nangangahulugan ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupain, at ng access sa mga rekurso; ang karapatang panatilihin ang kanilang pagkakakilanlan, kultura at mga kaalaman; ang karapatang lumahok sa proseso ng pagdedesisyon; at ang karapatan na pangasiwaan ang kanilang sariling komunidad. Ang pagkakakilanlan ng Qom ay mahigpit na nakatali sa kanilang ugnayan sa kanilang lupain. Kung wala ang soberanya sa kanilang lupain, hindi maipagpapatuloy ng komunidad ng Qom ang kanilang mga gawaing nakatutulong sa pagpigil sa climate change. 

Ang pamumuhunan sa monoculture na plantasyon ay gumagamit ng pondo na maaari sanang gamitin para sa pangangalaga ng mga ecosystem, at pagpapanumbalik ng likas na sikulo ng tubig sa pamamagitan ng pagbibigay-kakayanan sa mga katutubong kababaihan, at pagpapatibay sa karapatan ng komunidad. Di bababa sa 22% ng kabuuang carbon dioxide na nakaimbak sa mga tropikal at sub-tropikal na kagubatan ay matatagpuan sa mga lupain na kolektibong pinangangasiwaan, at isang katlo (one third) nito ay nasa mga lugar kung saan hindi kinikilala ng batas ang mga katutubo at lokal na komunidad. 

Maraming pag-aaral ang nagpapakita na kung hahayaang likas na manumbalik ang mga kagubatan, kaya nitong sumipsip ng  carbon dioxide na  97% higit pa kaysa sa pagkakaroon ng mga komersyal na plantasyon. Ang “pag-iwas sa pag-ubos ng kagubatan” ay kinikilala bilang pinakamatipid na paraan para pigilan ang climate change. Ngunit sa kasalukuyan, ang mga solusyong nakabatay sa pagkilala sa karapatan ng komunidad sa kanilang lupain, na kaakibat ng pagpapasaklaw ng pamamahala ng mga katutubo sa mga kinalbong gubat ay hindi nagiging prayoridad. 

Ang mga solusyon sa klima na makatarungan sa usapin ng kasarian ay nagtataguyod sa sariling pagpapasya ng mga kababaihan, sa soberanya sa pagkain, access sa mga likas yaman, at sa kalusugan, habang kinilala at ginagamit ang mga lokal at katutubong kaalaman. Ang ganitong solusyon na nagtatanggol sa soberanya ng lupaing katutubo ay isa sa mga pinakamatipid, kayang ipagpatuloy, at patas na estratehiya upang pangalagaan at ipanumbalik ang mahahalagang gampanin ng ecosystem, pangalagaan ang biodiversity, at pigilan ang pagkaubos at pagkasira ng kagubatan dahil sa agribusiness. Dahil dito mas tumataas ang kakayanan ng kapaligiran at ng mga komunidad na umangkop at tumugon sa matitinding pagbabago sa klima.   

Sino ang nagtataguyod ng mga solusyon sa klima na makatarungan sa usapin ng kasarian

Ang Organización de Mujeres Artesanas de Santa Rosa (Organisation of Artisan Women of Santa Rosa) ay naglalayon na ipaglaban ang kolektibong karapatang kultural at sosyo-environmental. Sinusuportahan sila ng Fondo Mujeres del Sur, na bahagi ng Global Alliance for Green and Gender Action network. Subaybayan ang Organization of Peasant and Indigenous Women Conamuri na nakikipagtulungan sa mga kababaihan sa kanayunan mula sa 12 departamento ng Paraguay, kabilang ang komunidad ng Qom sa Santa Rosa.  Marami pang maaaring matutunan mula sa mga link na ito:


Related Post

Relatório | Violência estrutural: o que aprendemos com mulheres e meninas defensoras do meio ambiente

Em função dos seus esforços na defesa de suas terras, territórios e recursos naturais, as mulheres e meninas defensoras do…

See more

NGO CSW66 Forum event recording | Structural violence: Learning from women and girl environmental defenders

In their efforts to defend their land, territories and natural resources, women and girl environmental defenders* (WGEDs) around the world…

See more

NGO CSW66 Forum event recording | #WeWomenAreWater campaign

On World Water Day 2022, the Global Alliance for Green and Gender Action (GAGGA) hosted an NGO CSW Forum event…

See more

Subscribe to our newsletter

Sign up and keep up to date with our network's collective fight for a gender and environmentally just world.