“Kaming mga katutubong kababaihan na may kapansanan ay susi sa solusyong pangklima at hindi lamang mga biktima”


Ako si Pratima Gurung at mayroon akong taimtim at personal na karanasan sa mga epekto ng pagbabago ng klima sa aking bansa bilang isang katutubong kababaihan na may kapansanan sa bulubunduking rehiyon ng kanlurang Nepal. Ang Nepal ay pang-apat na bansa sa buong mundo na pinakabulnerable sa pagbabago ng klima, na may higit 80% ng populasyon na nakalantad sa panganib ng natural na peligro tulad ng mga lindol, tagtuyot, pagbaha, pagguho ng lupa, matinding temperatura, at biglaang pagbaha sa mga lawa ng yelo. Ang paglala ng mga epektong pangklimang ito ay nagbabanta sa buhay at kabuhayan ng mga taga-Nepal, partikular na sa mga kababaihan, katutubo at mga taong may kapansanan.

Ako rin ay isang aktibista at pangulo ng  National Indigenous Disabled Women Association Nepal (NIDWAN Nepal), at ang Pangkalahatang Kalihim ng tagapamunong komite ng Indigenous Peoples with Disabilities Global Network. Sa isang pag-aaral na isinagawa ng NIDWAN na pinamagatang “Mga epekto ng pagbabago ng klima sa mga katutubong kababaihang may kapansanan” ay ipinapakitang ang mga kababaihan at kabataang kababaihan ang pinaka bulnerable sa krisis pangklima. Ngunit, kung kikilalanin ang kanilang ambag sa agrikultura ng Nepal at ang kanilang tagasuportang papel bilang tagapangasiwa ng likas na yaman tulad ng tubig at panggatong, ay may mahalagang kaalaman at mga panukala na maiaambag sa mga diskusyon patungkol sa pagharap sa krisis pangklima ang katutubong kababaihan at kababaihang may kapansanan, ngunit sila ay hindi isinasama sa mga ganitong espasyo ng pagdedesisyon.

Idiniin pa lalo ng aming pag-aaral na ang mga realidad ng pagbabagong pangklima sa mga komunidad na ikinakaharap ng mga katutubo, kababaihang may kapansanan, at kanilang mga pamilya. Karamihan ng mga katutubo sa Nepal, kasama na ang mga kababaihang may kapansanan, ay mga magsasaka na umaasa pa rin sa kagubatan para sa kanilang kabuhayan; mayroon silang simbayotikong relasyon sa kagubatan at likas na yaman. Mahalaga sa kanilang natatanging identidad at mga nakagawiang mga gawi, at isang gawaing ipinapasa sa kanilang susunod na henerasyon ang sustenableng pangangasiwa ng kagubatan at saribuhay.

Ipinapakita ng pananaliksik na isinagawa ng NIDWAN at ng iba pang mananaliksik na karamihan sa mga katutubong nakatira sa kanilang lupang ninuno ay pinapaalis sa ngalan ng pag-undlad dahil sa mga polisiya at proyektong pinangungunahan ng estado tulad ng mga hydropower na dam, pagpapalawak ng mga kalsada, at mga industriyang ekstraktibo. Wala na silang akses sa mga pangangailangang makukuha sa lupa, kagubatan, at tubig na direktang nakaaapekto sa kanilang mga buhay at kabuhayan. Hindi sinusuportahan ng estado ang mga tradisyonal na nakagawiang gawi at kabuhayan ng mga katutubo, kaya napipilitang iwanan ng mga katutubo ang kanilang tradisyonal na pamumuhay.

Higit pa rito, pinapalala ng madalas na tagtuyot at pagbabaha na dulot ng pagbabago ng klima ang kanilang sitwasyon sa pamamagitan ng pagwasak sa lokal na agrikultura. Sa mga matataas na kabundukan, wala ng makukuhang mga buto ng ilang species ng patatas at buckwheat. Natuyo na rin ang mga mapagkukunan ng tubig at ang mga lupang agrikultural ay hindi na maaaring matamnan, na nagpapababa ng pagkaproduktibo ng kalupaan at direktang nakaaapekto sa mga buhay ng mga katutubo at mga taong may kapansanan.

Sa isang case study, may isang ina ng isang katutubong batang babae na may mental na kapansanan sa Kavre, isang distrito na malapit sa Kathmandu, ang humarap sa kahirapang magbigay sa kaniyang anak ng masustansyang pagkain at sapat na tubig na kailangan para sa kalusugan at pangangailangang pangkalinisan ng kaniyang anak. Kinakailangan pang bumyahe ng nanay ng dalawang oras sa bawat araw para mangalap at magdalawa ng tubig sa kanilang bahay habang siya’y natatakot na may maaaring mangyaring masama sa kaniyang anak sa panahong malayo siya sa kanilang tahanan. Ang kakulangan sa akses sa tubig at mga yamang-gubat ay nagpapahirap pa lalo sa kaniya na gumawa at magtinda ng tradisyonal na alak para kumite upang masuportahan niya ang kaniyang anak at pamilya.

Lahat ng mga nabanggit na epekto ng pagbabago ng klima ay direkta at hindi direktang naaapektuhan ako at ang aking mga komunidad bilang isang babae, katutubo, at isang babaeng may kapansanan. Humaharap sa mga hadlang sa aksesibilidad at pag-uugali ang mga katutubong kababaihang may kapansanan bilang indibidwal at bilang kolektiba. At dahil kami ay nagdadala ng pangminoryang identidad sa kasarian, kakayanan at etniko, kami ay humaharap sa iba’t ibang porma ng diskriminasyon dahil sa mga kultural na norms, opresyong historikal, mga batas at relihiyon. Bilang resulta, mataas ang bilang naming sa mga taong nabubuhay sa matinding kahirapan at ang aming akses sa pangangailangan at kakayanan na matupad ang aming karapatan sa makabuluhang paraan ay nalilimitahan.

Kahit na prinoprotektahan ng mga katutubo ang 80% ng saribuhay ng mundo – kasabay ng pagiging pinakabulnerable sa mga epekto ng pagbabago ng klima – ay hindi kami nairerepresenta ng sapat sa mga diskusyong pangklima, kasama na ang mga isyu na may kinalaman sa pagkawala at pinsala, at sa adaptasyon at mitigasyon. Ang papel ng kababaihan, katutubong kababaihan at katutubong kababaihang may kapansanan bilang mga actor at ahente ng pagbabago ay mahalaga. Kami ay susi sa mga solusyon at hindi lang kami basta biktima, at ito ay kailangang makita sa mga polisiyang pangklima at mga plano na may konkretong implementasyon. Ang mga stakeholder tulad ng mga estado, ahensya ng UN, mga katuwang gawaing pang-unlad, at mga CSO na nagtratrabaho para sa hustisyang pangklima ay dapat makinig sa mga boses ng mga panlipunang grupo na may iba’t ibang identidad tulad ng mga katutubong kababaihan at katutubong kababaihan na may kapansanan, na alam kung paano lumaban at tumindig para sa kanilang mga karapatan. Ang mga stakeholder na ito ay dapat hikayatin ang mga kababaihang may ambisyon na hindi mawawalan ng pokus sa kung ano ang dapat bigyang halaga.

Ako’y taimtim na naghihikayat na magbigyan ng higit pang suporta sa kababaihan, katutubong kababaihan at lalo na ang mga katutubong kababaihang may kapansanan na nasa ibaba ng hirarkiyang panlipunan sa sa lebel ng komunindad. Panahon na upang irespeto, isulong at kilalanin ang kaalaman, mga tradisyon, at kontribusyon ng mga katutubong kababaihan sa pagpreserba sa ating mundo at panatilihing nasa gitna sila ng mga diskusyong pangklima.

Panahon na upang ating pag-isipang muli ang nakabukod na paraan kung paano tayo magtrabaho at sa halip ay makipagtrabaho sa iba’t ibang pagkilos – maging ito man ay labang pangkasarian, pangkapansanan, pang-etniko at iba pang mga karapatan – kilalanin ang halo-halo at patong-patong na identidad ng bawat isang indibidwal. Ito ay pagkakataon na magkaroon ng mga kaalyado at makakuha ng suporta mula sa lokal patungo sa global na lebel, at magkaroon ng pondong pangmatagalan na kinikilala ang mga panukala at karanasang-buhay ng mga grupong panlipunan tulad ng mga katutubong kababaihan na may kapansanan. Kailangan nating kumilos upang matugunan ang historikal na diskriminasyon gamit ang pagbabagong istruktural sa pamamagitan ng pagsama ng isang interseksyonal na pamamaraan na kinikilala ang kasarian, kultura at kapansanan, at inililipat ang kapangyarihan upang maging mas inklusibo ang diskurso ng hustisyang pangklima para sa lahat. Kung sama-sama tayong kikilos, maisusulong natin itong mga napapanahon at kinakailangang pagkilos sa pagharap sa krisis pangklima, at masisigurado na wala talagang maiiwan.

 

Si Bb. Pratima Gurung ay isang nangungunang aktibistang akademiko mula sa Nepal. Siya ay naging instrumental sa pagpapalakas ng boses ng mga kababaihang walang boses, katutubong kababaihan at mga taong may kapansanan, at nagdadala ng interseksyonal na pagtingin sa kaniyang trabaho upang maikonekta ang iba’t ibang marginalisadong identidad sa Nepal, Asya at sa buong mundo. Si Bb. Gurung ay bahagi ng fakulti ng Padmakanya College Tribhuvan University. Siya ay mananaliksik at ikinokonekta ang kaniyang akademikong pananaliksik sa adbokasiya. Siya rin ay tumutulong bilang eksperto sa Komite ng Pambansang Direksyong Pangkapansanan o Disability National Direction Committee, na binuo ng Ministeryo ng Kababaihan, mga Bata at Nakatatanda sa pamahalaa ng Nepal. Si Pratima Gurung ay isa sa mga miyembrong nagtatag at sa kasalukuyan ay pangkalahatang kalihim ng Indigenous Person with Disabilities Global Network (IPWDGN) at National Indigenous Disabled Women Association Nepal (NIDWAN), na isa ring katuwang ng GAGGA. Siya ay nagsisilbing ehemplo sa Nepal as Asya sa kung paano magsimula ng mga: kolaborasyon ng iba’t ibang pagkilos; interseksyonal na pamamaraan sa mga kababaihan, katutubo, taong may kapansanan at iba pang marginalisadong pagkilos; at diskurso sa inklusibong edukasyon, hustisyang pangkalikasan at iba pa.


Related Post

Anamika Dutt's picture with the text, "welcoming Anamika Dutt, GAGGA's PMEL Officer"

Welcoming Anamika Dutt As GAGGA’s Planning, Monitoring, Evaluation & Learning (PMEL) Officer!

Anamika Dutt is a feminist MEL practitioner from India. Anamika believes that stories of change and impact are best heard…

See more

Bringing Local Realities to Board Level: GAGGA and Both ENDS Partners at the GCF B38 in Rwanda

Last week Both ENDS participated in the 38th Board Meeting of the Green Climate Fund in Kigali, Rwanda, together with…

See more

We Women Are Water – Call To Action To Support And Finance Gender Just Climate Action

Gender just climate action and solutions are in urgent need of your support Women, girls, trans, intersex, and non-binary people…

See more

Subscribe to our newsletter

Sign up and keep up to date with our network's collective fight for a gender and environmentally just world.