Panumbalikin ang kalusugan ng baga ng mundo: Paglalagay ng kababaihan sa timon ng ekolohikal na pagpapanumbalik
Kami, ang mga kababaihang peminista sa kanayunan, ay nagnanais panumbalikin ang kalusugan ng baga ng mundo.
Pinapakita ng pandemyang COVID-19 ang karupokan ng ating sistemang pagkain at agrikultural, at kung gaano karami ang naging monokultural na sakahang nakatuon sa industiya ng langis mula sa palma at tubo, o kaya naman ay nakatuon sa produksyon ng mga cash crops tulad ng kape at kakaw. Nasira ang kalupaan at nawasak ang mga katutubong kagubatan dahil dito. Bilang resulta, ang mga lokal na komunidad na dati’y nasusustentuhan ang sariling pangangailangan ay hindi na ngayon kayang pakainin ang isa’t isa at nagkukulang na ang kanilang mga pangangailangan. Humaharap sa mga pagsubok ang maraming lokal na komunidad, kababaihan at mga grassroots na grupo at ito ay naghihimok sa atin upang pag-isipang muli ang kahulugan at kung paano maaabot ang katatagan, seguridad sa pagkain at mga isyu sa tubig.
Panahon na upang pag-isipan muli ang ating mga sistema sa pamamagitan ng isang pangkalahatang pagtingin, at magsimulang magkampanya ng mga panukala at kagawian na magdadala ng katatagang ekolohikal sa ating planeta, paglilinang ng ating masaganang likas na yaman sa ating mga kagubatan at sakahan, ng sa gayon ay mabibigyan tayo ng kalusugan sa ating pagkain. Ang analog na panggugubat o Analog Forestry ay isang halimbawa ng ganitong pamamaraan.
Ito ay isang paraan upang maibalik ang kalusugan ng mga sistemang ekolohikal sa pamamagitan ng paggaya ng mga likas na kagubatan ngunit pinagtibay gamit ang mga kapakipakinabang na species tulad ng mga punong nagbubunga ng prutas at mani, kape, tsaa, kakaw, abukado, at mga halamang gamot. Ibinabalik nito ang balanse ng tubig at nagiging daan upang kumita ang lokal na komunidad. Malakas na armas laban sa pagbabago ng klima ang paggamit ng Analog Forestry dahil pinipigilan nito ang pagkasira ng kagubatan, ipinapanumbalik ang kalusugan ng mga lupain, at pinapalago ang saribuhay. Ito ay mahalaga upang magkaroon ng ekosistemang malusog at matatag na may natural na depensa sa mga salot, tagtuyot, at iba pang banta na may kinalaman sa pagbabago ng klima. Itong mga kagubatang binawi at ipinanumbalik ay nakapaglilinis ng hangin at nagsisilbing malaking imbakan ng carbon.
Malakas na kasangkapan ang Analog Forestry laban sa hindi pagkakapantay-pantay ng kasarian; ito ay bahagi ng labang peminista. Sa nakasanayang sistemang produksyong agrikultural sa konteksto ng Nicaragua, ang pagturing sa kababaihan ay hindi hihigit sa lakas panggawa, isang bagay na ginagamit lamang. Ang Analog Forestry para sa amin ay isang oportunidad upang makilahok sa produksyon ng masustansyang pagkain at paraan upang ang aming sariling pagkain at kalusugan ay mapasaamin muli. Binibigyan kami nito ng mas maraming awtonomiya.
Ngunit ito ay hindi lamang teknikal. Ang Analog Forestry – kapag isinagawa ng may pemenistang pagtingin – ay maaaring maging bahagi ng nagpapatuloy na labang peminisita para sa karapatang panlupa at pangkalahatan o commons. Ang lupa ay para sa lahat at binibigyan tayo nito ng kapangyarihan, at kailangan nating mabuhay ng may dignidad, kaya dapat nating ipaglaban ang ating mga titulo sa lupa, upang magkaroon tayo ng akses at kontrol sa lupa.
Pakiramdam ko ay nawasak na ang daang-taong sistema ng hindi pagkakapantay-pantay ngayong ako na ay nangangasiwa ng lupa. Kaya ko ng magtanim ng sarili kong pagkain. Ito ay hindi sa pamamaraang kolonyal kung saan sinasamantala at inuubos ang laman ng lupa, ngunit sa isang parang espiritwal at ekolohikal. Naipapanumbalik ko ang pangkasaysayang koneksyon sa lupa na mayroon kami bilang katutubong kababaihan; ang kaniyang kalusugan ay akin din. Sa katunayan, nilalabanan naming ang materyalistikong sistema ng pananamantala sa pamamagitan ng pagbuo ng isang sistemang nakabase sa paggalang at pagkakaisa sa aming mga sarili.
Nakapag-ani na ako ng kape, saging, passionfruit, mirasol, iba’t ibang pampalasa at gulay matapos ng dalawang taong pagsasanay sa Analog Forestry, at sa susunod na taon ay magkakaroon na ako ng abokado. Nais kong maging halimbawa sa ibang mga kababaihan at pamilya, na ipakita sa kanilang posible ang produksyong sustenable. Nais kong gamitin ang aking kagubatan na magsilbing lugar ng demonstrasyon, isang lugar ng pagkatuto at pagpapalitan ng mga karanasan. Nais kong makapag-udyok ng kababaihan, maibahagi ang aking nalalaman, maisulong ang seguridad at soberanya sa pagkain, ang paggamit ng halamang gamot, at maipanumbalik ang magandang kalagayan ng pinagkukunan naming ng tubig. Sana ay makasama ko ang iba pang mga pamilya sa aming mga komunidad at makapagsimula rin sila ng sarili nilang Analog Forest.
Madalas ay itinatanggi ang karapatan ng kababaihan sa soberanya sa pagkain, tubig at sa tirahang malinis at ligtas. Sa paglagay sa kanila sa timon ng ekolohikal na pagpapanumbalik ay nabibigyan sila ng mga karapatang nabanggit. Nagbibigay ng buhay ang kababaihan, tulad ng Inang Kalikasan. Kapag maganda ang kalusugan ng mundo, ibig sabihin ay mayroon din tayong magandang kalusugang espiritwal, pisikal at pangkaisipan. Tayong kababaihan ay pinapalakas ng Inang Kalikasan upang maging kasinglakas ng mga punong natatanaw natin mula sa himpapawid ng ating sariling kapiraso ng lupa.
Si Luz Marina Valle ay isang peministang magsasaka, nagsanay bilang enhinyero ng pangangasiwang agricultural at kooperatiba. Siya ay kasapi ng Fundacion entre Mujeres (FEM) at isang lokal na promotor ng Analog Forestry sa kaniyang komunidad ng El Jocote sa Hilagang Nicaragua. Maaari niyo pang malaman dito kung ano ang International Analog Forestry Network.
Maaaring mapakinggan ng direkta ang iba pang promotor ng Analog Forestry mula sa Ecuador dito: Ana María Andrade at Enma Revilla.
Call for Consultancy: Evaluation of GAGGA 2.0 Programme
The Global Alliance for Green and Gender Action (GAGGA) is seeking a consultancy firm or a team of consultants to…
Welcoming Anamika Dutt As GAGGA’s Planning, Monitoring, Evaluation & Learning (PMEL) Officer!
Anamika Dutt is a feminist MEL practitioner from India. Anamika believes that stories of change and impact are best heard…
Bringing Local Realities to Board Level: GAGGA and Both ENDS Partners at the GCF B38 in Rwanda
Last week Both ENDS participated in the 38th Board Meeting of the Green Climate Fund in Kigali, Rwanda, together with…
Subscribe to our newsletter
Sign up and keep up to date with our network's collective fight for a gender and environmentally just world.