PATUNGO SA ISANG COP NA NAGSUSULONG NG HUSTISYANG PANGKASARIAN AT PANGKLIMA


Nagtitipon ngayon ang mga pinuno mula sa mahigit 190 na bansa, mga organisasyong pandaigdigan, mga miyembro ng lipunang sibil, at mga aktibista, para sa ika-26 na UN Climate Change Conference of the Parties (COP26).

Sila’y nagtitipon habang nagsisimula pa lamang na maintindihan ng mundo ang malubhang epekto ng pandemya sa mga pambansang ekonomiya at kung gaano partikular na lalong nakapangwawasak ang pangyayaring ito sa mga bansa at mga pangkat panlipunan na noon pa man ay bulnerable na, tulad ng kababaihan at kabataang kababaihan. Kagaya nang nakasaad sa kamakailang U.N. policy brief patungkol sa epekto ng COVID-19 sa kababaihan, sinasabing “sa kabila ng bawat elemento, mula sa kalusugan hanggang sa ekonomiya, seguridad hanggang sa proteksyong panlipunan, mas malala ang epekto ng COVID-19 sa mga kababaihan at kabataang kababaihan dahil na rin lamang sa kanilang kasarian.

Tulad ng pandemya, ang krisis pangklima ay inilalahad at patuloy na pinapalala ang hindi pagkakapantay-pantay ng kasarian at lipunan. Ang pagbabago ng klima ay hindi na lamang problema sa hinaharap; kasalukuyan nang hinaharap ng kababaihan at kabataang kababaihan sa buong mundo ang pinakadelikadong kinahihinatnan nito, at ito ay lalo lamang lalala. Kaya naman ang mga desisyon na ginagawa ng mga gobyerno sa COP26 ay mahalaga para sa kinabukasan ng mundo. Nailahad na ng Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC) na “marami sa mga pagbabagong dulot ng nakaraan at hinaharap na greenhouse gas emission ay hindi na maibabalik sa dati” at ang ating sitwasyon ay brutal sapagkat malapit na tayo sa puntong hindi na kailanman makakabalik sa dati nating kalagayan.

Ang kontekstong nagbabalangkas sa COP26 ay nangangailangang lahat ng mga estado ay matapat na mangako sa mga aksyong pangklima na makatarungan sa kasarian, na nilalabanan ang mga historikal na hindi pagkakapantay-pantay na nagbunga ng mga panlipunan, pangkalikasan at pangkasariang epekto na ating nararanasan. Dahil dito, nararapat na magkaroon ng progreso sa kahit na alin sa tatlong larangan:

Panatilihin na hindi tataas sa 1.5°C ang pag-init ng mundo habang isinusulong ang hustisyang pangkasarian.

Ang historikal na pamamaraan ng paglinang ng enerhiya ay nagdulot ng malalim na epekto sa karapatan ng kababaihan at kabataang kababaihan na nakatira sa mga lugar kung saan nagaganap ang mga prosesong ito. Ang paglikha ng mga huwad na solusyong pangklima tulad ng malalaking hydropower dam at ang pagkuha ng gas, uling at langis ay malubhang nakaapekto sa kalikasan at lipunan, ginawang mas mapanganib ang pamumuhay ng kababaihan, at pinapalala ang trabahong hindi bayad habang lumalala ang mas marami at mas matinding porma ng karahasan.

Ang pagtransisyon patungo sa pinagkukunan ng enerhiya na mas mababa ang carbon ay hindi lamang dapat tumugon sa pagpapalit ng hilaw na materyales; ang mga pamamaraan kung paano nililinang ang enerhiya ay dapat din matugunan ang hustisyang pangkasarian, magsulong ng partisipasyon ng kababaihan sa proseso ng pagpapasya, magdulot ng kaginhawaan, at masigurado na natatamasa ang karapatan ng mga komunidad kung saan nagaganap ang mga prosesong ito.

Noong 2015, 145 na bansa ang nagsagawa ng mga panukala at legal na pagbabalangkas na nagreregula at nagsusulong ng renewable energy, ngunit malaking bahagi nito ay hindi nagawang maisama ang pangkasariang perspektiba. Upang masigurado ng mga estado ang pagbabagong makatarungan, kritikal na kanilang suportahan ang mga modelo ng paggawa, pamamahagi at paggamit ng enerhiya na nakabase sa komunidad, na nakasentro ang karapatan at boses ng kababaihan. Sa gitnang Amerika, Mayroong ilang halimbawa kung saan ang mga komunidad ay nag-organisa upang magtayo ng mga maliliit na dam o turbina na naglilinang ng lokal na enerhiya nang walang negatibong epekto sa kapaligiran at panlipunan na naidudulot ng malalaking dam.

I-mobilisa ang pagpipinansyang pangklima upang isulong ang karapatan ng kababaihan

Labindalawang taon mula nang isagawa ang COP15 sa Copenhagen, ipinangako ng mayayamang bansa na magbibigay sila ng US100 billion bawat taon sa mga bansang mahirap hanggang pagdating ng 2020, upang matulungan silang umangkop sa pagbabago ng klima at maibsan ang lalong pagtaas ng temperatura. Ang hangaring ito ay hindi nasunod.

Upang masuportahan ang mga makatarungang pagkilos para sa pagpapa-ibsan at pag-angkop sa pagbabago ng klima, ang mga mayayamang bansa ay hindi lamang dapat tuparin ang pangakong ito, ngunit nararapat na maabot ng pondong pangklima ang mga higit na nangangailangan nito: mga bansa, mga sektor [ng lipunan] at mga taong pinaka-apektado ng pagbabago ng klima. Ang mga panuntunan sa pangangasiwa ng likas na yaman ay dapat nakasentro sa boses, perspektiba at karunungan ng kababaihan. Dapat na nirerespeto ng pagpopondo ang mga batayan ng karapatang pantao, partikular sa mga lokal na komunidad at kababaihan, at dapat ay mayroong epektibong sistema ng pananagutan na sinisiguradong ang pondo ay nagagamit sa tamang paraan at sa paraan na nirerespeto ang karapatan ng mga kababaihan, katutubo, mga komunidad sa kanayunan at mga tao sa pangkalahatan.

Palakasin ang mga hakbang upang labanan ang pagkawala at pinsala sa Global South

Dagdag pa sa mga hakbang ng pag-iibsan at pag-aangkop, itinatatag ng Artikulo 8 ng Paris Agreement ang pagkawala at pinsalang – tulad ng pagtaas ng lebel ng dagat, mga mga kaganapan ng pagtindi ng panahon, pinsalang pang-ekonomiko sa kabuhayan at sapilitang pagpapaalis – na bunga ng pagbabago ng klimang dulot ng tao, bilang ikatlong haligi ng aksyong pangklima. Ang haligi na ito ay isinusulong ng mga bulnerableng bansa at mga panlipunang pagkilos sa buong mundo na hinihingi ang pagsali sa pagkawala at pinsala sa pandaigdigang agendang pangklima bilang bahagi ng isang makatarungan at sistematikong pagtugon sa pagbabago ng klima.

Nagdurusa na mula sa pinaka-negatibong epekto ng pagbabago ng klima ang mga bansa, komunidad at grupo na nasa mga sitwasyong bulnerable (lalo na ang kababaihan), kahit na maliit lamang ang kanilang ambag sa krisis pangklima. Halimbawa, ang mga katutubong kababaihang Mayan sa Yucatan Peninsula sa Mexico ay nasaksihan kung paano nasira ang kanilang mga pananim at nagdulot ng negatibong sa kanilang kabuhayan dulot ng pagdami ng malalang panahon ng pagbagyo. Ang mga aksyong pag-ibsan at pag-angkop ay hindi na posible sa senaryo kung saan ang pagkawala at pinsala ay nangyari na. Ang mga senaryong ito na nakaugat sa historikal na responsibilidad at hustisya ay hinihingi ang epektibong pagtugon mula sa pinakamalalaking nagpaparumi ng mundo.

Ngunit kahit may patunay sa pinsala, ang hindi makatarungang konteksto kung saan ito naganap, ang mga dating negosasyong pangklima ay gumawa lamang ng maliit na progreso pagdating sa pagpapalakas ng haliging ito at pagsusulong ng isang balangkas na pinahihintulutan ang matatag na pangakong pinansyal. Malinaw na sinasaad ng Artikulo 8 na ito ay “hindi nagsasama o nagbibigay ng batayan para sa kahit anong pananagutan o kabayaran.” Napapanahon na, na ang mga nagpapasya sa COP26 ay magkasundo sa mga konkretong hakbang pasulong upang mabayaran ang pagkawala at pinsala na naranasan na ng kababaihan at ng kanilang mga komunidad.

Mayroong paraan ng pagsulong na maiibsan ang pinakamalalang epekto ng krisis pangklima, ngunit ito lamang ay matutupad kung ang mga pinuno sa buong mundo ay agad-agad na: uunahin ang karapatan at boses pangkababaihan sa transisyong pang-enerhiya; i-mobilisa ang pondo sa mga lokal na panukala at solusyong pangklima na pinangungunahan ng kababaihan; at bumawi sa pagkawala at pinsalang nararanasan ng mga bulnerableng komunidad mula sa pagbabago ng klima na dulot ng tao.

 

Si Liliana Avila ay isang Senior Attorney sa Human Rights and Environment Program ng Interamerican Association for Environmental Defense (AIDA). Ginagamit ng AIDA ang batas upang protektahan ang kalikasan at ang mga komunidad na nagdurusa mula sa pinsalang pangkalikasan sa buong Latin Amerika sa pamamagitan ng pagpapakalat ng kaalaman, paglikha ng mga naipapanalong argumentong legal, pagpapalakas ng mga panukala at batas, at paglikha ng mga modelong stratehiya para sa matupad ng mga komunidad ang batas.


Related Post

October 2021 | Now is the time for urgent climate action

With extreme weather events impacting every region of the world in recent months and stark warnings from the latest IPCC report,…

See more

दक्षिणी विश्वका नारीवादीहरुका तर्फबाट कोप निर्णयकर्ताहरूका लागि : जलवायु न्यायका लागि आमूल परिवर्तन

“जलवायु न्यायको अर्थ… – अस्थिर उत्पादन, उपभोग र व्यापार सहितका जलवायु संकटका कारक तत्वलाई सम्बोधन गर्दै – समानता र मानव…

See more

Report | Intrinsically linked: gender equality, climate and biodiversity

The worldwide climate crisis, loss of biodiversity and continuing gender inequality are intrinsically linked. Solving the climate and biodiversity crises…

See more

Subscribe to our newsletter

Sign up and keep up to date with our network's collective fight for a gender and environmentally just world.