Ang Panawagan ng mga Peminista mula sa Global South sa mga nagdedesisyon sa COP: Radikal na pagbabago para sa hustisyang pangklima


“Ang hustisyang pangklima ay nangangahulugan na…paglaban sa pinag-ugatan ng krisis pangklima – kasama ang hindi sustenableng produksyon, konsumpsyon, at pakikipagkalakalan – habang umaabante patungo sa pagkakapantay-pantay at ang proteksyon at realisasyon ng karapatang pantao,” sabi ni Menka Goudan ng Women’s Fund Fiji, na isa sa mga kalahok sa aming Diyalogo patungkol sa Peministang Aksyong Pangklima.

Noong Setyembre 2021, tinipon ng Equality Fund ang mahigit sa 30 na representatibo mula sa mga Global South na organisasyong nagsusulong ng karapatang pangkababaihan at peministang pagkilos, kasama na ang mga namumuno at nagtratrabaho para sa maga katutubong kababaihan, kababaihang LBTQ, kababaihang may kapansanan, at kabataan; at nagtratrabaho sa mga isyu tulad seguridad sa agrikultura at pagkain, kalusugan at karapatang pang-reproduksyon, at karahasan. Ang samu’t saring partisipasyon na ito ay testamento sa pagkakabigkis ng pangkasarian pagkakapantay-pantay at aksyong pangklima – at ang pangangailangan sa isang multi-sektoral na pagtugon sa krisis pangklima.

Tulad sa naisaad sa blog series ng GlobalAlliance for Green and Gender Action (GAGGA) na Hustisya ang Puso ng Aksyong Pangklima, ang diyalogo na ito ay naglayon na palakasin ang mga boses ng mga organisasyon at kilusan para sa karapatang pangkababaihan upang siguraduhing sila ay nasa harapan ng paglaban at kinikilala ng mga gumagawa ng desisyon bago, habang, at pagkatapos ng ika-26 na UN Framework Convention on Climate Change (UNFCC) Conference of Parties (COP). Ang mga peministang aktibista mula sa Global South ay dapat isinasama sa mga espasyong tulad ng COP dahil ang kababaihan, kabataang kababaihan, trans, interseks, at taong non-binary ay higit na naaapektuhan ng mga epektong dulot ng klima at gumagawa at nagsasagawa ng kinakailangan pagresponde sa krisis pangklima.

Iba ang pagtingin ng mga kilusang pinangungunahan ng kababihan sa krisis pangklima

Sa kabuuan, iba ang pagtingin ng mga kilusang peminista at pinangungunahan ng kababaihan sa krisis pangklima at mga dapat na maging tugon dito, kumpara sa dominanteng pagtingin na ipinapahayag ng maraming gobyerno at multilateral sa COP. Madalas, ang mga pormal na negosasyon sa COP ay itinuturing ang pagtugon sa krisis pangklima bilang isang teknikal na isyu, hal. “Isukat natin ang karbon at tingnan kung paano natin ito lilimitahan.” Ang mga tao ay halos nawala na dito, sa parehong kung sino ang responsible sa paggawa ng pinakamaraming greenhouse gas at kung sino ang nagdurusa dahil sa epekto nito.

Nakikita ni Angélica Schenerock ng Agua y Vida na ang dominanteng naratibo ng pagbabago ay “bigo sa pagtanaw ng relasyon ng mga ekstraktibang kompanya at ang mga hindi pagkakapantay-pantay sa pagitan ng Global North at Global South.” Sabi niya na, “[Ang pangangako ng pagbabago] ay nangangahulugang pagtataya sa mga polisiya na inuuna ang lokal at ang mga maliliit. Ang mga polisiyang ito ay hindi ekstraktiba at hindi ipinagpapatuloy ang kolonyal na modelong lumalaganap na ng 500 na taon. Aking hinihimok [ang mga gumagawa ng desisyon] na iwan nila ang mga huwad na solusyon, na nagbunga ng korupsyon at kita mula sa pagdurusa ng mga taong direktang nabubuhay sa mga epekto ng pagbabago ng klima. Ako ay nananawagan sa isang totoong pagbabago ng patriyarkal na perspektiba ng ekonomiya at ng isang peministang eknomiya, na nakabase sa pagkakalinga ng lahat ng porma ng buhay, tao at hindi tao.”

Ang mga nakilahok sa diyalogo ay ginawang kita o hayag ang mga taong apektado ng krisis pangklima, at kanilang idiniin kung paano naiiba ang epekto ng krisis pangklima sa mga indibidwal at grupo depende sa kanilang naghahalong mga elemento ng kanilang identidad tulad  kasarian, lahi, at katutubong status. Si

Pratima Gurung mula NIDWAN Nepal, na isang organisasyong pinangungunahan at nagtratrabaho para sa mga katutubong kababaihang may kapansanan, ay idiniin pareho sa kaniyang diyalogo at sa kaniyang blog na ang lakas ng pagbabago ng klima ay mas mataas para sa mga taong may marami at naghahalong identidad.

Rekomendasyon para sa mga gumagawa ng desisyon sa COP

Mula sa mga pananaw na ito, lumitaw ang ilan sa mga pangunahing rekomendasyon para sa mga gobyerno, sa pribadong sektor at mga NGO. Hindi mapagkakaila na ang mga ito ay sumasang-ayon sa mga sinasabi ng mga post ng GAGGA blog series na ito.

Nanawagan ang mga nakilahok sa diyalogo para sa pagbabagong transpormasyonal sa mga ekstraktiba at mapanamantalang mga sistema na siyang nagbunga ng krisis pangklima. Higit sa mga gawaing para sa mitigasyon at adaptasyon, ang transpormasyonal na pagbabago na ito ay nangangailangan ng: suporta para sa sustenable, produksyong pinangungunahan ng komunidad, konsumpsyon at pag-unlad; respeto sa katutubong kaalaman at mga solusyon, at katutubong soberanya sa mga likas na yaman; at pagtrato sa ekonomiya ng pagkalinga[1] bilang isang aksyong pangklimang interbensyon. Ilan sa magagandang halimbawa nito ay ang Analog Forestry, na ipinaliwanag ng nakibahagi sa pagsusulat ng blog na si Luz Marina Valle, at ang mga programa na sinusuportahan ng Women’s Fund Fiji.

Isinusulong din ng mga nakilahok na gawing mas abot-kaya at abot-kamay ang mga pagpipinansyang pangklima sa mga organisasyong nagsusulong ng karapatang pangkababaihan at mga peministang kilusan. Gayun din, ipinaalala ng isa pang nakilahok sa pagsusulat ng blog na si Ursula Miniszewski kung gaano kaliit ang umaabot na pagpipinansyang pangklima sa mga aksyong pangkalikasan ng kababaihan  sa kasalukuyan at idiinin kung paano nangako ang GAGGA at Global Greengrants Fund na magmobilisia ng $100 million para sa peministang aksyon para sa husisyang pangklima sa susunod na limang taon.

Panghuli, bilang tugon sa isang hangarin ng COP26 na pabilisin ang aksyon sa kolaborasyon sa pagitan ng mga gobyerno, mga negosyante at lipunang sibil, kinuwestyon ng mga kalahok kung mayroon na bang prekondisyon para sa mga ganitong pakiki-anib. Pinangungunahan at pinagpapatuloy ng altor mula sa mga gobyerno at pribadong sector ang marginalisasyon, diskriminasyon, at karahasan laban sa kababaihan at katutubong karapatang pantao, pangkalikasan at nagdedepensa sa lupa. Ang mga nakilahok sa pagsusulat ng blog na sina Sofía Gutiérrez ng Fridays for Future, Márcia Mura ng Mura Indigenous collective, at si Angélica Schenerock ay dinetalye ang paglalarawan nito sa konteksto ng

Colombia, Brazil at Mexico. Bago maging posible ang mga pakiki-anib, iginiit ng mga nakilahok sa diyalogo na ang mga pundasyon ay dapat mailatag muna, tulad ng: pagsuporta, pagkilala, at pagsulong ng pangunguna ng kababaihan at mga katutubo; pagrespeto sa karapatan ng mga katutubo sa lupang ninuno at likas na yaman; at pagprotekta sa kababaihan at katutubong karapatang pantao; at pagprotekta sa karapatang pantao ng kababaihan at katutubo, pangkalikasan at nagdedepensa sa lupa.

Mga nawawalang tinig sa COP26

Ang mga napapanahong mensahe na naibahagi sa mga nagdedesiyon sa COP26 bago at habang COP, kasama na ang mga video tulad nito, na ipinalabas noong Araw ng Kasarian. Lalo na ngayong taon na may pandemyang COVID-19, ang mga kababaihan sa Global South ay humarap sa karagdagang mga harang sa kanilang pakikilahok sa COP. Isa pang makapangyarihan, at biswal na mensahe ay nagmula sa Fearless Collective, isang organisasyon para sa pampublikong sining na nakabase sa Timog Asya na pinangungunahan ng kababaihan at isang Equality Fund grantee partner. Noong COP26, kasama ang mga katutupong pinuno, gumawa sila ng isang nakamamanghang mural sa isang gusali sa Glasglow na nagrerepresenta ng “kapangyarihan at soberanya ng mga katutubong pinuno sa COP26. Ang mga pinuno ng mga bansa  na hindi kinikilala sa mga espasying tuald nito, ay tumitindig sa mural na pagkilala sa kanilang pag-iral at ang kanilang kaalaman.”

Kasama ng mga gawaing ito, sinamahan ng Equality Fund ang Women and Gender Constituency sa pagdiin na maraming nawawalang tinig sa COP26, parehong ang mga aktibistang hindi isinasama sa mga negosasyon dahil sa mga nangyayaring kawalan ng hustisya, at gayundin ang mga nagdedepensa sa karapatang pantao ng kababaihan at kalikasan na humaharap sa karahasan at persekyusyon.

May potensyal sana ang COP26 na maging kritikal na milestone sa paglaban sa pagbabago ng klima, ngunit nabigo ito na ipagitna ang mga pangangailangan at solusyon ng mga indibidwal at komunidad na direktang naapektuhan ng krisis pangklima. Habang tumitindi ang krisis pangklima at ang mga solusyong status quo ay hindi na sapat, kritikal na dalhin ang boses ng mga organisasyong para sa karapatang pangkababaihan at peministang kilusan sa harap ng mga diskusyong pangklima.

Ang radikal na pagbabago para sa hustisyang pangklima ay humihingi ng agarang aksyon mula sa mga nagtratrabaho sa loob at labas ng COP, at sa lokal, nasyonal at internasyonal na lebel. Tulad ng naipakita ng mga manunulat ng blog series na ito at ng mga nakilahok sa diyalogo, ang mga organisasyong pangkababaihan at peminista ay mahahalagang aktor ng hustisyang pangklima sa kanilang sariling pamamaraan. Kanilang nauunawaan na ang isang pamamaraang nakabase sa karapatan at nakasentro sa tao ay nagpoprotekta sa karapatang pantao at napagkukunan ng adaptasyon at katatagan ng mga pinakabulnerable sa pagbabago ng klima. Ang isang mabisang aksyong pangklima ay nangangailangan ng pagkuha ng kanilang mga pagsisikap at pakikinig sa kanilang mga rekomendasyon, sa mga espasyo ng pagdedesisyong pangklima sa hinaharap at patungo sa isang mas maliwanag at malamig na hinaharap.

 

Si Hilary Clauson ay isang Policy Associate sa Equality Fund. Ang Equality Fund ay nagpapagalaw ng mas maraming pangangailangan para sa mga organisasyo para sa karapatan ng kababaihan at peministang kilusan sa Global South. Ang aming modelo ay hinahalo ang pamumuhunan sa pangkasariang pagtingin, pagpopondo ng gobyerno, at multi-sektoral na pilantropiya upang makapagbukas ng bago, sustenableng pagpopondo para sa mga peministang pagkilos sa buong mundo.

 

__________________________

[1]Ayon sa brief ng Feminist Green New Deal, Care & Climate: Understanding the Policy Intersections, Ang ekonomiya ng pagkalinga ay isang “berdeng ekonomiya” dahil: ito ay kailangan upang mapanatili ang kabuuan ng ekonomiya at lipunan; ang mga trabaho ng pagkalinga ay maliit lamang ang ambag sa pagbabago ng klima kumpara sa ibang mga sektor ng ekonomiya; Ang mga kumakalinga sa pagkalinga ay mahalagang opsyon sa mga manggagawang nagtatransisyon sa berdeng ekonomiya.  


Related Post

Anamika Dutt's picture with the text, "welcoming Anamika Dutt, GAGGA's PMEL Officer"

Welcoming Anamika Dutt As GAGGA’s Planning, Monitoring, Evaluation & Learning (PMEL) Officer!

Anamika Dutt is a feminist MEL practitioner from India. Anamika believes that stories of change and impact are best heard…

See more

Bringing Local Realities to Board Level: GAGGA and Both ENDS Partners at the GCF B38 in Rwanda

Last week Both ENDS participated in the 38th Board Meeting of the Green Climate Fund in Kigali, Rwanda, together with…

See more

We Women Are Water – Call To Action To Support And Finance Gender Just Climate Action

Gender just climate action and solutions are in urgent need of your support Women, girls, trans, intersex, and non-binary people…

See more

Subscribe to our newsletter

Sign up and keep up to date with our network's collective fight for a gender and environmentally just world.