Inilunsad ng GAGGA ang kampanyang #WeWomenAreWater para sa taong 2022


Tigilan na ang mga huwad na solusyon sa klima, panahon na  para sa mga makatarungang solusyon sa krisis sa klima at tubig

Nilinaw ng ikalawang bahagi ng Intergovernmental Panel on Climate Change’s (IPCC) Sixth Assessment Report nitong nakaraang linggo: Ang pagbabago sa klima ay banta sa kapakanan ng tao at kalusugan ng planeta, at maaring mawala sa atin ang maiksi at makitid na pagkakataon para tiyakin ang nakabubuhay at sustenableng kinabukasan para sa lahat kung patuloy na maaantala ang sama-samang pandaigdigang pagkilos laban sa pagbabago sa klima.

Nilinaw din ng ulat ang isa pang punto: ang pagtitipon ng siyentipiko, katutubo at lokal na kaalaman habang inuuna ang hustisya at katarungan ay hahantong sa mga mas epektibong solusyon sa klima. Ang mga ganitong solusyon ay umiiral na at ipinapatupad ng mga kababaihan, trans, intersex at mga hindi binary na mga tao sa buong mundo — silang mga kadalasang unang naapektuhan ng pagbabago sa klima at silang mga namumuno sa mga lokal na pagkilos patungkol sa klima kahit hindi nabibigyang-pansin sa mga proseso ng pagdedesisyon. Ang mga taong ito na nakadepende sa mga yamang likas ay gumagamit ng lokal, tradisyonal at katutubong kaalaman upang paunlarin ang mga solusyon sa klima na nagtitiyak at nangangalaga sa mga yamang tubig — mula sa pagpapanumbalik ng baybaying dagat bilang likas na tirahan at pamamahala ng komunidad sa tubig,  hanggang sa mga sistema ng pagkolekta ng tubig-ulan at food forest.

Sa kasamaang palad, ang mga inisyatibang ito ay kulang na kulang sa pondo, at karamihan sa mga taong pinaka-apektado ng pagbabago sa klima at kakapusan ng tubig kaugnay sa klima ay hindi nakakakuha ng pondo na sumusuporta sa mga aksyon upang pigilan  at umangkop sa pagbabago sa klima. Meron lamang 0.01% ng pagpopondo sa buong mundo ang sumusuporta sa mga proyektong sabayang tumutugon sa klima at karapatan ng kababaihan.

Kaya naman ngayong taon ay ipapakita namin ang mga solusyon sa klima na kaugnay ng tubig, at makatarungan sa usapin ng  kasarian sa aming taunang kampanyang #WeWomenAreWater mula International Women’s Day (Marso 8) hanggang sa World Water Day (Marso 22). Ang mga solusyong ito ay naglalayong ipakita sa mga pangkaunlarang institusyong pananalaping at mga pondong pangklima ang pangangailangan na ibaling ang suporta mula sa mga proyektong nakasisira sa kapaligiran na lumalabag sa mga karapatang pantao at negatibong nakaaapekto sa tubig, tulad ng malalaking dam at monoculture na plantasyon ng puno, patungo sa mga inisyatibang pinamumunuan ng komunidad na tumutugon sa pagbabago sa klima habang aktibong hinahamon ang di pagkakapantay-pantay dahil sa kasarian. Hinihiling din namin sa mga namumuhunan at sa mga nangangasiwa ng pondo ng pensiyon na palawakin ang kanilang mga pangakong suporta para sa Sustainable Development Goals upang saklawin ang mga ganitong lokal na solusyon sa klima.

Simula sa International Women’s Day, ang Global Alliance for Green and Gender Action (GAGGA) at ang aming mga ka-partner ay magpo-post ng mga kwento sa social media mula sa Guatemala, Paraguay, Pilipinas, Nepal, at Nigeria, mga bansa kung saan may pamumuhunan at suportang pananalapi para sa mga teknikal na solusyon sa krisis sa klima na pumuprotekta sa tubo ng mga korporasyon ngunit negatibong nakaaapekto sa mga kritikal na ecosystem, sa paggamit ng tao sa lupa, sa soberanya sa pagkain, at sa tubig. Bibigyang-pansin din ang mga kaso ng mga komunidad na suportado ng GAGGA, kung saan ang limitadong seguridad sa tubig ay pinalalala ng patuloy na pamumuhunan sa pagkuha ng fossil fuel. Bagama’t ang mga kuwentong ito ay iilan lamang, ipinapakita ng mga ito ang reyalidad ng maraming komunidad sa buong mundo.

Mayroon nang mga makatwiran, inklusibo at sustenableng mga solusyon sa klima sa lokal na antas – oras na upang mapaghugutan ang mga ito. Sumali sa kampanya upang igiit na ang pagpopondo patungkol sa klima ay dapat sumuporta sa mga solusyong pangklima na pinangungunahan ng kababaihan at nagbibigay-priyoridad sa mga tao at mundo sa halip na mga solusyong “business-as-usual”.

Pwede makita ang social media toolkit dito at i-follow ang kampanya sa Facebook, Instagram at Twitter gamit ang #WeWomenAreWater at #LasMujeresSomosAgua.

________________

Mga kwento ng kampanya

Kababaihan ipinanumbalik ang bakawanan sa Niger Delta

Kababaihang Magar ginagamit ang katutubong kaalaman upang pigilan ang epekto ng pagbabago sa klima

Kababaihang Qom pinananatili ang katutubong gubat sa Paraguayan Chaco

Kababaihang Dumagat ginagamit ang mga produktong gubat na hindi galing sa troso upang mapigilan at maka-angkop sa pagbabago sa klima

Kababaihang Mayan Ch’orti binabawi ang kanilang karapatan sa teritoryo at access sa tubig

 


Related Post

Person facing left and holding a mic. Only the chin to upper shoulder part of the person is visible. In the centre of the image, white box has text in red and blue which reads, "New partnership to support gender-just climate action: The Government of Canada with the Global Alliance for Green and Gender Action"

New partnership to support gender-just climate action: The Government of Canada with the Global Alliance for Green and Gender Action

FOR IMMEDIATE RELEASE [21 September, 2023] Between 100 and 150 community-based organizations from Africa, Asia, Europe, Latin America and the…

See more
Three light brown colored placards with an illustration of planet Earth made on it. The text on the placards reads, "Our house is on fire", "system change not climate change," "evidence over ignorance"

African Counter COP and COP28: The Global Alliance for Green and Gender Action Puts The Role, Knowledge And Needs Of Women At The Forefront Of The Fight Against Climate Change

FOR IMMEDIATE RELEASE [18 September 2023] Six out of nine planetary boundaries have been crossed (Stockholm Resilience Centre) and the…

See more

July 2023 Newsletter | Linking and Learning: Uniting for Feminist Climate Solutions

In a world grappling with urgent environmental challenges, the need for feminist solutions has never been more evident. At GAGGA,…

See more

Subscribe to our newsletter

Sign up and keep up to date with our network's collective fight for a gender and environmentally just world.